Chapter 7

1.5K 20 0
                                    

XANCHA smiled widely while both of their hands are intertwined together. Halos maghapon silang namasyal at ngayong papalubog na ang araw ay naisipan nilang dalawa na maglangoy.

"I'll just go upstairs and change." excited niyang sambit dito pagkapasok nila sa bahay.

Hinalungkat niya ang maleta niya, kulay nude bikini ang napili niyang isuot.

Namumula ang magkabilang pisngi ng makita niya ang sarili sa harap ng salamin.

Magugustohan kaya ni Iñaki ang suot ko?

Ipinilig niya ang ulo saka siya huminga ng malalim para kalmahin ang sarili, tinapik tapik niya ang kanyang pisngi. Pinatungan niya nalang ng roba ang suot niyang bikini saka niya nagtungo sa dalampasigan.

Natigilan siya at napaawang ang mga labi ng makita niya ang nakatalikod na si Iñaki, nakasuot lang ito ng swimming trunks kaya naman kitang kita niya ang kakisigan nito.

Mahigpit siyang napakapit sa robang suot nang humarap ito sa kanya. Dahil sa papalubog na araw ay mas tumingkad pa ang taglay na ganda ng pangangatawan nito habang naglalakad ito palapit sa kanya.

"Hey there sexy."

"H-Hey." gusto niyang kutosan ang sarili ng mautal siya.

Nginitian siya nito at napatili nalang siya ng walang sabi sabi siya nitong binuhat.

"Iñaki ang lamig!" reklamo niya dito at mas kumapit pa sa leeg nito.

"Says who? As far as i remember you're the one who suggested that we should swim." tatawa tawang asar nito sa kanya.

Nagtitili siya ng dalhin siya nito sa malalim na parte kaya naman tudo ang yapos niya dito ng binalot ng lamig ang buong katawan niya pero ang lamig na iyon ay napalitan ng pag-iinit ng magkabilang pisngi niya ng marealized niya ang posisyon nilang dalawa.

Nakayapos ang mga hita niya sa bewang nito at ang mga braso niya ay nakakunyapit sa leeg nito habang ang mukha naman nila ay gahibla nalang ang layo sa isa't-isa.

Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito upang itago ang pamumula nito.

"Aw' my baby is shy. Come on show me that gorgeous face of yours."

"Heh! E-Ewan ko sayong lalake ka." sabi niya nalang dito pagkatapos ay kinalas niya ang mahigpit na pagkakayakap dito para lumangoy.

Agad namang humabol palangoy si Iñaki. Ganon ang ginawa nila sa loob ng isang oras na nagdaan, naghabulan sila sa paglalangoy at sa tuwing mahuhuli siya ni Iñaki ay niyayakap siya nito at pinupupog ng halik sa mukha. Magtatampisawan ng tubig at magkikilitian.

Nang pareho sila mapagod ay napag desisyonan nila umahon. Maglalakad na sana siya pero walang sabi sabi nanaman siyang binuhat ng binata kaya naman nakasimangot na tinampal niya ang matigas nitong dibdib.

"Ano ba Iñaki, may paa naman ako." sikmat niya dito pero nginisian lang siya nito.



It's dinner time at pinagtutulongan nilang lutoin ang kakainin nila. Siya ay nagluluto ng adobo habang si Iñaki naman ay nagsasaing. Pagkatapos nilang magluto ay magkatulong nilang inayos ang hapag kainan.

"Hm... Ang bango naman ng abodo mo."

"Wag mo'kong binubola dyan Iñaki, nagugutom na ako."

"Hindi naman kita binubola. I'm just telling the truth saka kung gutom na gutom kana, pwede namang ako nalang gawin mong dinner." Alok pa nito sa sarili, may pataas baba pa ito ng kilay.

Unti-unti namang bumaba ang mata niya pababa sa bandang puson nito at halos mabitawan niya ang dalawang pinggan na hawak ng makita niya ang umbok nito.

Wtf. Is he freaking have a boner?

"Baby, eyes up. Baka mawala ako sa huwesyo at isipin kong gusto mo ngang gawin akong dinner."

Lihim na kinastigo niya ang sarili, inilapag niya sa lamesa ang dalawang pinggan saka siya umupo. Umupo din naman si Iñaki sa tabi saka patay malisyang ipinatong ang kamay sa may hita niya.

Hindi niya pa nga lubos na napapakalma ang sarili pero heto nanaman ang binata at pinabibilis ang tibok ng puso niya.

"Iñaki! Iyang kamay mo kung saan saan lumalapat!" saway niya dito.

Inosente siya nitong nilingon. "What? Nahawakan na ng kamay ko ang higit pa sa hita mo, and my fingers entered more than that. So' yeah. Don't mind my hand on your thigh." sagot nito sa kanya saka siya pinaglagay ng kanin at ulam. Ganon din naman ang ginawa nito sa sariling pinggan.

"Eat up baby, make sure na uubosin mo lahat yan. Masama mag sayang ng pagkain dahil marami sa bansa ang walang makain."

Inirapan niya nalang ang binata saka siya nagsimulang kumain pero maya’t-maya siyang napapatigil dahil sa kamay nitong marahang humahaplos sa hita niya. Sa tuwing magkasalubong ang kilay na lilingunin niya naman ito ay busy ito sa paglantak sa sariling pagkain na wari mo ay walang ginagawang kababalaghan.

Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi at pinagsawang bahala nalang ang kamay nito na humahaplos sa hita niya. Tapos na siya kumain pero ang binata ay hindi parin tapos, aalisin niya sana ang kamay nito sa hita niya pero taas kilay na nilingon siya nito.

"I'm enjoying my dinner so' don't you dare remove my hand on your thigh, that will be my dessert later. Stay still baby." seryosong sambit nito saka pinagpatuloy ang pagkain.

Napipilan naman siya at hinintay nalang ito na matapos kumain. After he eat, ito na mismo ang nagligpit ng pinagkainan nila habang siya naman ay inutosan nitong uminom ng tubig at maupo lang.

Pagkatapos nitong magligpit ay nagpunas ito ng kamay saka ito may nakakalokong ngiti na lumapit sa kanya.

Sa loob ng halos isang linggo na nilang magkasama ay alam na niya ang ilang gawain ng binata. Kaya naman may kutob na siya sa ngiti nito.

Nakaupo siya kaya naman ng makalapit ito sa kanya ay bahagya itong yumuko, sinapo ng mga palad nito ang mga pisngi niya. Para siyang nahi-hipnotismo sa bawat galaw nito at ng lumapat ang labi nito sa bahagya niyang nakaawang na labi ay napapikit nalang ang mga mata niya.

Nawala na siya sa huwesyo at nadala nalang siya sa bawat galaw ng labi nito. Ginagalugad nito ang bawat parte ng labi niya ang kanilang labi ay paulit-ulit na nag iispadahan. Ninamnam nila ang bawat sandali na magkalapat ang mga labi nila at ng pareho sila kapusin ng hininga ay doon lang sila tumigil sa paghahalikan.

Pareho silang may hindi mapangalanang kislap sa mata ng magkatitigan. Pero sa isip nila, kung ano man iyon ay hindi nila pipigilan. Dahil sa ngayon, masaya sila at lalasapin nila ang bawat sandaling iyon.

"You're making me crazy, Xancha." hinihingal pang sambit nito.

Gusto niya rin sanang sabihin na binabaliw din siya nito pero pinigilan niya ang sarili niyang sambitin iyon. Natatakot siyang umasa at masaktan.

At hindi ka natatakot sa paulit-ulit niyang pagsamba sa pagkababae mo kaya naman hinahayaan mo lang siya? sambit ng kabilang isip niya.

Kinabahan siya. Natatakot siya sa posibilidad na pwedeng kahantungan kung ano man ang meroon sila. Pero ng maramdaman niya ang may ingat at marahang haplos nito sa pisngi niya ay napangiti siya ng tipid.

"Let's sleep. Antok na ako, napagod ata ako sa pamamasyal at paglalangoy natin kanina." iyon nalang ang nasabi niya.

May dumaang nakatagong emosyon sa mata nito na waring nasasaktan.

Bakit naman ito masasaktan? Wala naman itong gusto sa akin.

Ikaw, wala kabang gusto sa kanya? tanong ng kabilang isip niya.

Napalunok siya pagkatapos ay tumayo siya sa pagkakaupo. "Tara na."

"Yeah. Mukha ngang pagod ka." may tipid na ngiting sambit nito pagkatapos ay yumakap ang braso nito sa balikat niya.

Dear God,

This man is making me crazy.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon