XANCHA stood up, mag-iisang oras na kasi pero hindi parin bumabalik ang anak niya.
Nag-aalala na siya kaya naman susundoin niya na sana ito pero bago pa man siya makaalis ay huminto sa gilid niya ang isang white chevrolet. Mula doon ay lumabas ang anak niya na may malapad na ngiti sa labi.
"Mommy! I'm back!" matinis na bati nito sa kanya saka siya niyapos sa bewang.
Ginulo niya ang buhok nito. "Pinag-alala mo si Mommy. Ang tagal mo, sabi mo sa'kin bibili ka lang e."
Kumalas ito sa yakap at tiningala siya saka tinuro ang white chevrolet at mula sa sasakyan na iyon ay lumabas ang taong hindi niya inaasahang kasama ng anak niya.
"I-Iñaki." mahinang sambit niya.
Mabilis ang bawat pintig ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nanghina ang mga tuhod niya, lalong naging matured ang itsura ni Iñaki. Lalo itong naging matikas at makisig. Higit sa lahat yung dating nararamdaman niya dito ay mas nadagdagan pa. Miss na miss niya ito, gusto niya tumakbo para yakapin at halikan ang mapupula nitong labi pero pinipigilan niya ang sarili. May kasalanan siya dito. Dapat ay rendahan niya ang sarili. Hindi na sila iyong tulad ng dati. Marami na ang nagbago at natatakot siya na baka nagbago na ang nararamdaman ni Iñaki para sa kanya.
Nagugulohan at gulat ang expression na nakalarawan sa mukha nito. Pero panandalian lang iyon dahil agad itong nabura lahat at napalitan ng walang bakas na emosyon.
"I saw the kid in the middle of the street. So' I help and accompany her to go back to her mom." huminga ito ng malalim waring pinapakalma ang sarili saka matiim na tumingin sa mga maiilap niyang mata. "Are you?"
She gulped. "Y-Yes."
Pagak itong tumawa saka mabilis na nag-iwas na tingin. "Here I am, patiently waiting. Tapos malalaman ko na... na ang hinihintay ko masaya na pala kasama ng iba."
"Iñaki l-let me explain—"
"Shut up! I don't wanna hear it! Sapat na ang nakita at nalaman ko ngayon. I told you Xancha. Maghihintay ako. Pero hindi mo naman sinabi sa'kin na may anak kana pala." nanunumbat ang mata na pinagmasdan siya nito.
Nagbukas sara ang bibig niya pero wala namang mga salita na lumabas doon. Naramdaman niya na humigpit ang pagkakapit ni Haña sa laylayan ng damit niya at nakitang masama ang tingin nito kay Iñaki.
"Haña, baby—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil naunahan na siya ng anak niya.
"And what's your problem if mommy already have a child? Which is me. You didn't know what my mommy have been through! Kaya you have no rights para ganyanin ang mommy ko! Mommy raised me well even though she's working and studying! You jerk!" Galit na sigaw nito kay Iñaki.
Ito ang ayaw niya sa anak niya, kapag galit ito ay galit talaga at hindi basta basta makikinig sa kanya.
Mariin siyang napakagat sa pang-ibabang labi. "Haña, that's not the proper way to treat who's older than you." lumuhod siya para magpantay ang mukha nilang dalawa, hinaplos niya ang pisngi nito saka hinalik-halikan iyon.
"Calm down baby. Mommy is okay, say sorry to him." malambing niyang sabi sa anak.
Kumibot ang labi nito saka namumula ang mata na nag-iwas ng tingin sa kanya. "No! He shouted at you. Ayoko po mommy. Bad siya."
Kumirot ang puso niya, hindi pwedeng mag-tanim ng sama ng loob ang anak niya kay Iñaki. Kailangan ay magkasundo ang dalawa.
Nilingon niya si Iñaki na masama ang tingin sa kanya at sa anak niya, Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay inirapan siya nito pero naglakad naman palapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)
RomanceXancha Hailey Delvega, ang babaeng bumago sa babaerong si Iñaki Geron. Dahil sa isang pagtatalik na nangyari pareho nilang hahanap-hanapin ang isa't-isa pero kahit gusto pa ni Xancha maulit ang sarap na pinagsaluhan nila sa gabing iyon kailangan niy...