Chapter 30

610 15 0
                                    

IT'S BEEN TWO DAYS, and thank god. Nahanap na nila kung saan dinala ng mga kidnappers ang anak nila. Salamat sa tulong ng mga pulis at ng private investigator niya ay natukoy nila kung saan ang location ng mga ito.

Nang malaman na nila ang location, agad silang naghanda para iligtas ang anak nila ni Xancha. Ang mga Monterosseau naman ay nagplano ng back-up kung sakali mang pumalya ang unang plano nila.

Pagkarating ay tahimik at maingat na nagsikilos ang mga pulis ganon din sina Hendricks at Queno na nag volunteer para tumulong.

"Catch." agad niya namang sinalo ang baril na inihagis ni Queno.

"Let's show to them how badass are we." walang emosyon na sambit ni Hendricks na nasa bandang kanan niya.

"That morons will be tortured by me if they hurt even a finger of my godchild." madilim ang awra na ani ni Queno.

Napangisi naman siya. "Time to move our ass now fckers."

Pagkapasok ng mga pulis sa loob ng abandonadong bahay ay agad silang kumilos. Putukan ng baril ang nanaig sa loob. Pawang tatlong grupo ng gang ang mga lalaking nahuli ng mga pulis, karamihan sa mga ito ay may tama sa tuhod o kaya naman sa binti.

"Tang na, muntik na akong tamaan kanina. Madadali ako ni misis kung nagkataon." nakangiwing aniya ni Queno saka pinahid ang munting pawis sa noo nito.

"Gague. Sumama pa kayo e. Sinabi ko naman sa inyo na madaming pulis ang kasama ko saka may back up plan ang mga Monterosseau- shit!" Agad niyang kinalabit ang baril na hawak at pinatamaan sa tuhod ang lalaking babaril sana sa direksyon ni Hendricks. May mga pulis naman na agad umasikaso sa lalaki.

"Fck. I didn't notice. Thanks dude." ani nito ng makabawi sa pagkagulat.

"Let's focus may ilan pang nagkalat sa paligid. I'll go this way baka dito nila dinala ang anak ko." seryosong sambit niya, agad namang tumango ang dalawa.

Umakyat siya sa ikalawang palapag hanggang sa nakarating siya sa dulo ng hallway, nakita niya doon ay isang silid na gawa sa kahoy.

"Princess. Princess are you there?" sigaw niya pero tanging kalampag lang ang nadinig niya.

Malakas ang kutob niya na nandoon sa silid na iyon ang anak niya kaya naman hinawakan niya ng maayos ang baril, binaril niya ang padlock niyon upang mabuksan ang pinto. Pagkapasok ay tumambad sa kanya ang kwarto na halos walang gamit pero mayroong kama sa gitna nun.

Sigurado siya na may narinig siyang kalampag ng sumigaw siya kanina kaya naman sinuyod niya ang bawat sulok. Maya-maya lang ay may humawak sa paa niya. Babarilin niya na sana kung sino man iyon pero ng tingnan niya ay ang anak niya iyon.

"D-Daddy." sambit ng nanginginig nitong labi.

Halos madurog ang puso niya sa nakitang itsura nito. Putok ang pang-ibabang labi, namumula ang magkabilang pisngi at may ilang galos at pasa sa katawan. Mabilis na binitawan niya ang baril na hawak at tinulungan niya ang anak para makaalis sa ilalim ng kama.

Naupo siya sa gilid ng kama habang ang anak niya ay nasa hita niya. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang mukha nito habang si Haña naman ay walang tigil sa pag-iyak.

"W-Who d-did this to you baby? Tell daddy, P-Princess..."

"S-She's a monster daddy. S-She hurt me. D-Daddy, p-please let's go home."

"Shh... Uuwi na tayo nak." hinalik-halikan niya ang mukha nito saka niya pinahid ang mga luha sa pisngi nito.

Tatayo na sana siya pero pumasok sa loob ang familiar na babae. Maitim ang ilalim ng mga mata nito at maputla ang kutis ng katawan. Humalakhak ito saka sinara ang pinto.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon