Chapter 18

726 12 0
                                    

"Mommy when am i going to meet my daddy? I asked you po last time but you didn't answer." may himig na lungkot na sambit ng anak niya.

Natigilan siya sa pagsubo at napatingin sa anak niya na bahagyang nakatungo.

"Anak. She's not a baby anymore. Haña deserves to meet her father." seryosong sambit ng Ina niya.

"Your mom is right nak, you two should go back to the Philippines. Don't mind me and your mom here. Mind your family and fix your problem with Iñaki. He's a good man, Princess." anang ng kanyang ama saka ito sumimsim ng kape.

Panandalian siyang natulala sa kawalan pero ng mapagmasdan niya ang nangungulilang mukha ng kanyang anak ay nakabuo siya ng pasya.

Siguro nga dapat na silang bumalik sa Pilipinas, pitong taon na ang nagdaan at hindi na basta bata ang anak niya na mauto-uto sa mga pagdadahilang salita. Marunong na ito ngayong umunawa ng mga usapang pang-matanda.

Hinaplos niya ang buhok ng anak. "Alright, tomorrow... We will go back to the Philippines." may tipid na ngiting sambit niya.

Ang anak niya naman ay nanlalaki ang mata na nilingon siya saka tuwang-tuwa na yumakap sa kanya.

"Omg, Daddy-lo. Mommy-la. I'm going to meet my father! Kyah!" sigaw nito at tumili pa talaga.

Bahala na kung ano ang mangyari. Kung tatanggapin ba siya ulit ni Iñaki kasama ang anak nila pagkatapos ng mga sinabi niya dito na masasakit na salita.

Pero para sa anak niya. Babalik siya sa pilipinas at haharapin ulit si Iñaki.




Kauuwi lang nila nung isang araw ng anak niya sa Pilipinas at dito sila sa Cohen's subdivision nananatili pansamantala.

Nagising siya bandang 5:00 am para mag jogging at dahil alam niyang hindi magpapa-iwan ang anak niyang nagising na din ay isinama niya nalang ito tutal naman ay gawain na nila ito tuwing umaga noong nasa Canada sila.

"Wow mommy, ang pretty pala here sa Philippines." nangingiting sambit ng anak niya ng tumigil sila sa may bench para uminom ng tubig.

Pinunasan niya ang munting pawis sa noo ng kanyang anak. "Yeah. Dito ako lumaki, may mansyon kami dito pero alam mo naman ang nangyari noon kay mommy, right?" kinwento niya kasi sa anak ang mga nangyari sa kanya noon pero hindi niya sinabi na ang ama nito ang may kagagawan dahil ayaw niyang magtanim ng sama ng loob ang anak niya dito.

"Yes mommy and okay lang naman yung place natin now. Btw. Mommy may nakita po akong bilihan ng ice cream doon, uhm can i buy po? Promise mommy, madali lang me." itinaas pa nito ang kanang kamay tanda na nanunumpa ito.

"Samahan na k—"

"Eh! Mommy wag na po, I'm a lady na so' sit ka nalang dyan and wait me to buy my ice cream. Get it po?" napangiwi naman siya.

Minsan talaga nagtataka nalang siya kung sino ang Ina sa kanilang dalawa e. Tsk tsk. Manang-mana sa ama.

Ginulo niya ang ulunan ng buhok nito na agad din naman nitong inayos.

Arte.

"Mommy don't messed my hair nga." reklamo nito habang nakanguso.

Natawa naman siya. "Fine fine. Anyway, bumili kana ng ice cream mo at uuwi na tayo sa bahay para mag-agahan."

Inilahad nito ang kamay. "Money po."

"Here." inilapag niya sa kamay nitong ang isang daan.

Tuwang-tuwa naman ito at pinatakan siya ng halik sa pisngi bago ito tumakbo.

"Don't run!" Sigaw niya dito.




"FUCK." sambit ni Iñaki habang nagmamaneho patungo sa address na ibinigay sa kanya ni Hendricks.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon