Chapter 25 (the wedding)

977 18 0
                                    

Nangingiting naiiyak na tinanggap ni Xancha ang kamay ni Iñaki at saka sabay silang humarap sa pari.

Panay lang ang tulo ng luha niya hanggang sa umabot sila sa parteng kailangan nilang mangako sa isa't-isa. She can't help her tears. A Tears of joy.

Akala niya noon ay wala nang pag-asa pang lumiwanag ang madilim niyang mundo pero when she met Iñaki, nagbago ang lahat. Binigyang kulay nito ang buhay niya. Iñaki Geron, the reason why her life become a messed and now the reason why her life became fixed.

"I'm Iñaki Geron." he smiled lovingly at her. "And like our wedding song, I promise that I'll stay with you in good terms and bad terms because I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself. I'd rather have hard times together, than to have it easy apart. I'd rather have who holds my heart which is you my Xancha. You and Haña are my life. Mahal ko kayo ng anak natin at paninindigan ko iyon." Dahan-dahang isinuot ni Iñaki ang singsing sa daliri niya.

"I'm Xancha Hailey Monterosseau-Geron." Pinunasan ni Iñaki ang nangingilid niyang luha sa mga mata niya. "I promise to love you until my last breath. I promise not to stop loving you, caring you, babying you and understand you through your best and at your worst." She pinched his hand and lovingly smiled at him. "I will love you even after life. Mahal kita Iñaki at hindi ko kakayanin kung mawawalay ako sa'yo. Kaya naman kahit magkaroon tayo ng malaking problema ay hinding-hindi ako bibitaw. Hinding-hindi kita bibitawan Iñaki."

IÑAKI can't explain how happy he is. Finally, after a month of preparation ay nangyayari na ang pinakaaasam niya. Ang maikasal sa babaeng mahal niya. At magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Alam niyang hindi siya perpekto at hindi ganon kabuting tao pero para sa pamilya niya gagawin niya ang lahat mabigay lang ang gusto ng mga ito.

Kagat ang pang-ibabang labi at mabilis ang pintig ng puso niya nang marinig si Xancha na nag I do, father. Tutok na tutok ang mata niya sa babaeng pinaka maganda na nakita niya sa tanang buhay niya at hindi niya inalintana ang isang butil ng luha na naglandas sa pisngi niya.

Haña was the ring bearer. Ayaw kasi nito pumayag na hindi ito ang magdadala ng singsing sa kanila patungo sa altar.

Panay ang iyak ng mga magulang ni Xancha at ganon din si Nay Lara at Tay Bert. Wala nang galit si Xancha sa mag-asawang Lara at Bert, napatawad na nito ang mga ito at napatawad na din siya ni Xancha kaya naman nangangako siya na hindi niya na ulit pa sasaktan ito dahil sobra na ang pinagdaanan nito ng dahil sa ginawa niya noon. Nasira niya ang buhay nito at handa siyang pasayahin ang babaeng mahal niya hanggang sa kunin na siya ng panginoon.

At kahit wala sa kasal niya ang mga magulang niya sigurado siya na masaya ang mga ito sa langit na makita siyang maligaya sa piling ng taong mahal niya. Ganon na din sina Mommy Elzpeth at Daddy Morte. I'm sure they have this wide and bright smile for us.

"I pronounce you, man and wife." malakas na sabi ng pari at naghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Halos lahat ng bisita sa kasal nila ay kay Xancha. Her parents Mommy Charlotte and Daddy Xander, Nay Lara and Tay Bert, some of mommy and daddy xander's business partners, relatives from the states, Her friends in Canada. Sa kanya naman e. His two bestfriend together with their family, his business colleagues and some of his employees.

Masuyong sinapo niya ang mukha ng kanyang asawa, saka ginawaran niya ng halik sa mga labi. Kapagkuwan ay hinagkan niya ito sa noo, sa magkabilang pisngi, sa tungki ng ilong, sa baba at sa labi. "Mahal na mahal kita Xancha."

"Mahal na mahal din kita Iñaki." masayang tugon nito.

Their visitor's roared when they kissed pero mas nangibabaw ang matinis na tili ng anak nilang si Haña.

I'D RATHER 1: BE YOUR LOVER (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon