Chapter 4

594 18 2
                                    

Buti na lang hindi ako pinag-fit ng damit when we visited the Designer dahil gusto ko present si mama ‘pag nangyari yun. Gusto ko ng mga ganung moments with mama.

Maraming pinakitang sketches si Luce, each one more beautiful than the next. Hindi ako makapag-decide nung una.

Pinakita nya rin sa’min ang mga gawa nya. His craftsmanship was exceptional. Tyinatyaga nya ang detailing ng mga damit nya dahil ayaw nyang ipagkatiwala sa iba. You can see his dedication in his work kaya I was happy that Jake’s mom chose him to do my wedding dress.

Sinukatan ako ni Luce, the Designer, “As much as possible, keep this figure ha para hindi tayo mahirapang mag-adjust when you’re doing your fitting.”

Tumango ako.

“They are living at home, I’ll see that she keeps her weight in check,” sabi ng mommy ni Jake at kumindat sa’kin. Nangiti lang ako.

Medyo close na ata kami.

I settled for his sketch na faded white mermaid cut dress na full sa knee area pababa. It has a sweetheart neckline but will have a low back. I will also have the option to add to it dahil meron itong wrap style fitted long sleeves na you’d think part ng dress na pwedeng iattach at pwede ring tanggalin, depende kung malamig o mainit. It was beautiful. Na-excite ako bigla.

“You would need to wear crazy heels so your long legs would look even longer. Madali ring makapa-bansot ang mermaid cut kaya dapat matangkad na matangkad ka. Pero bagay ang mermaid cut sayo dahil you have an hourglass figure. Matangkad naman si Jake na susuporta sa’yo kahit mataas ang heels mo kaya okay lang. And you’ll look good together,” sabi ni Luce.

Saka na lang daw namin pag-usapan ang design ng sa mga Bridesmaids, etc. pag present na daw sila. Kaya I need to organize that.

Pati si mommy at si Erin ay nakapag-pasukat na rin para sa mga gowns nila.

Happy kami ni mommy, at pati na rin ni Erin, na umuwi ng bahay. Pag-uwi namin, nag-aantay na ang team ni Janah sa’min na maagang dumating.

Hinayaan naman ako ng mommy ni Jake to talk to them alone. Magpapahinga na daw muna sya.

Binigyan ako agad ni Janah, the main coordinator, ng 8-page Excel sheet sa USB na kailangan kong ifill-out. Pinrint nya rin yun para makita ko.

“Ang dami pala nito,” sabi ko going through everything.

“Oo. Pero andyan na lahat ng mga kailangan natin. Nandyan na yung summary,” sabi nya. “Aside from that bibigyan din kita ng checklist para you know our progress.”

E parang ako rin ang nag-organize. Nagbigay lang sya ng listahan.

 

“E anong gagawin nyo?” di ko napigilang magtanong.

“Look at this list,” sabi nya. “Those are for your suppliers. We need their numbers. So those will come from you. This is your secondary sponsors list, and the principal sponsors list, once you’ve decided kung sinu-sino then you’d also have to put in their numbers.”

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon