Chapter 48

407 12 3
                                    

"Approved na po," ngiti ng social worker na binitin nya pa.

"Talaga?" 'di makapaniwala kong tanong. Talaga ba?!?! Handa na 'kong tumalon 'pag confirmed na talaga.

Tumango ang social worker at mas lumapad ang ngiti nya.

"Oh my God! Thank you! Thank you!" yugyog ko sa kanya. Niyakap ko rin sya. "Sandali lang, tatawagan ko lang ang asawa ko," madaling paalam at layo ko sa kanya.

"Sige lang po, go ahead po," tawa nya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nagsimula nang i-dial si Jake. "Babe!!!" sigaw ko. "Guess what?!"

"Approved na? Yay!!!" dinig kong sigaw ni Jake sa phone. Talon ako ng talon. "Sige, sige, pauwi na 'ko. Let's celebrate! At i-double check na natin lahat sa bahay ulit."

"I'm so happy Babe," naluha kong sabi sa kanya sa phone. Natutuwa ako sa mangyayari at kay Babe, sa kagustuhan nyang mangyari din yun at sa walang sawa nyang suporta at pang-unawa.

"Me too Babe. Oh, dahan dahan sa pagmamaneho ha. Baka naman dahil sa emotional at excited ka hindi ka na mag-focus sa pagda-drive," paalala nya.

"I'm okay, super. Mag-iingat ako of course. I'm just so happy," sabi ko, calming my nerves down.

"Gusto mo bang sunduin na kita dyan?" he offered.

"'Wag na. Magkita na lang tayo sa bahay," I said.

"I love you Babe," sabi nya. "I think dapat Mommy na ang itawag ko sa'yo."

Wow. Mommy. Nanay na 'ko. Nanay ng isang taong palalakihin namin. Wow. "I love you Daddy," I answered him back. He will be the best Dad. I know it.

"I love the sound of it. Grabe. I can't wait. Excited na excited na ako," he shared.

"Ako rin."

"We so deserve this. And I'm honored to have her. I'm scared that I wouldn't do a good job pero I want to try. I love her already," he said thinking aloud.

"Ako rin, I love Miracle na. She's truly the one meant for us. I know it."

"When are we picking her up again? Bukas pwede na 'diba?"

"Yes," tango ko kahit na he can't see me. "Hindi siguro ako makakatulog," tawa ko.

"We have to try. Tomorrow we're going to be parents na talaga. I'm friggin' excited!" he shouted.

"Thanks for this Babe. Ikaw talaga 'to lahat eh. Sa lahat ng efforts, sa lahat. I can't contain my happiness Babe. I'm so thankful, I'm so overjoyed to have you in my life."

"Ang OA," biro nya. "Basta ingat, okay? See you at home, Mommy."

"See you."

Sa bahay, when our eyes met, we ran to each other like there was no tomorrow. We hugged each other tight.

"Ang bango mo naman masyado, nakakahilo yang pabango mo," puna ko sa kanya.

Natawa sya. "Naseseksihan ka lang sa'kin eh!" biro nya. "This is the last day we're alone Babe," he commented. "Want to make the most of this day?" malandi nyang ngisi. Alam ko na yung mga ganon nyang ngisi. Tumawa ako at kinurot ko sya.

"Tumigil ka nga dyan. Sabi mo ido-double check natin kung kumpleto na yung mga gamit natin for Miracle," ulit ko sa sinabi nya.

"Oo nga. 'Diba pwedeng after na lang yun?" he tried.

"Eh!" tutol ko.

Tumawa sya.

Umakyat ako sa magiging kwarto ni Miracle, tumakbo actually. Sumunod din agad si Babe. "Clothes, diapers..." Inisa-isa ko ulit lahat. Tinulungan din naman ako ni Babe.

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon