Chapter 41-B

392 12 13
                                    

Nasaan na ba yun? Kanina pa sya nag-text na pauwi na sya. Dalawang oras na ah!

Ten na. Pagdating nun, pagod na yun, matutulog na lang sya. Pa'no na?

Grrr! Ngayon pa naman yung first night na fertile ako!!!

Aware naman sya. Sinabi ko naman sa kanya kaninang umaga. Pinaalala ko naman nung nag-text ako ng tanghali, nagkalandian pa nga kami. At! Nag-reminder pa pala 'ko sa phone nya!

Eh nasan na ang asawa ko? Ba't wala pa sya?

Sinubukan ko uling tawagan ang phone ni Babe na pang-ilang ulit ko nang ginawa. Out of coverage area daw ang phone ayon sa voice prompt.

Imposibleng low batt o empty batt sya - may charger sya sa kotse! Malamang na-traffic sya, pero wala man lang bang tawag o kahit text?

Nai-stress na 'ko! This is so unsexy. Ano pang point nitong lingerie kong suot ngayon!? This is ridiculous.

Gutom akong nahiga sa kama. 'Di pa rin ako nagdi-dinner 'cause I was waiting for Jake nga. Gusto naming pareho na sabay kami kumakain pero wala pa nga sya.

I lay down 'cause I wanted to relax myself kasi I was stressing over the fact na wala pa si Jake sa unang araw na fertile ako eh hindi pa naman ako pwedeng ma-stress. 'Di ko na namalayan na nakatulog ako.

I roused in the middle of the night when I heard Jake's snoring.

Bumangon ako at nakita ko si Jake na natutulog sa couch sa kwarto, bihis na bihis pa, hindi pa nakakapag-palit ng damit, at mukhang pagod na pagod.

Nahabag ako sa hitsura nya at nagpasalamat ako na wala namang nangyaring masama sa kanya, pero naisip kong kailangan nyang magpaliwanag.

San naman kaya nanggaling 'to? He better not smell like alcohol! 'Wag sanang party ang ikinauwi nya ng gabi kundi kukurutin ko 'to sa masakit!

"Huy," yugyog ko sa kanya. "Ba't inumaga ka na? Dun ka nga matulog sa kama." Niyugyog ko pa sya.

"Babe..." bulong nyang pumupungas-pungas pa.

"Anyare sa'yo Kuya? Ba't ngayon ka lang?" tanong ko agad.

"I had to-"

"What?" putol ko sa kanya. "Seven thirty pa lang nag-text ka na na pauwi ka na. We missed the first night na fertile ako," I stated. Hala, nagger na 'ko.

"Kaya pala ang sexy mo," malandi nyang puna nang maimulat na nya ng tuluyan ang mga mata.

Mabilis talaga ang asawa kong ganahan. Ang galing 'pag landian.

"Ang ganda ng pwet mo dyan," abot at pisil nya sa'kin.

"'Wag mong ibahin ang usapan Jake," mariin kong sabi. "San ka galing?"

Hinilamos ng mga kamay nya ang mukha, "One of our Accountants who was pregnant had an emergency labor. I took her to the hospital."

Talaga? Awww... "Talaga? O kumusta na sya?" tanong kong umiba na ang timpla, of course.

Ngumiti si Jake at tumingin sa'kin. "She had a girl, a cute baby girl." Mas lumapad ang ngiti nya nang tila inaalala nya ang hitsura ng baby. "'Di ko na alam ang pangalan kasi umalis na 'ko nung okay na silang mag-ina. She had an easy labor naman."

I didn't know why naglawa ang luha sa mga mata ko. Perhaps, sobrang natuwa ako sa nangyari para sa Accountant nila. A baby!

Jake stood up and hugged me. "We'll have our own soon. Sorry, I wasn't early pero pwede pa naman diba?"

"Pagod ka. Matulog na tayo. May bukas naman eh," sabi at ngiti ko sa kanya. I kissed his cheek. "Dalawin natin ang Accountant nyo bukas."

"Sige. Let's get in bed then," sabi nyang pagod at antok pa.

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon