Pinaulit ko kay Janah ang lahat ng sinabi nyang kailangang gawin at tips na ipinayo nya for our wedding. Buti mabait sya at inulit nya naman. Kung ako yun, nag-walk out na ‘ko.
I shot a video of her saying all those things para maipakita kay Jake at para na rin madocument ko. At para tulungan ako ni Jake.
After my meeting with the Coordinators, I went out to see my friends Donna, Joy, Eli and Kenny sa isang restaurant sa malapit. Gusto ko kasing makauwi agad pag nakauwi na si Jake. I wanted to show him the video.
“Huy mga beks! Ito na ang wedding ng taon! Kasi next year, wedding ng taon naman ang kasal ni Donna at ni Miguel!” sigaw ni Kenny.
“Share your wedding notes with me ha,” sabi ni Donna sa’kin.
Okay na kami ni Donna after our sampalan incident several years ago. Donna was Jake’s first love and she thought I was stealing her second option from her.
“Ay oo, napakarami kong wedding notes. Ang hirap pala mag-organize ng wedding,” amin ko.
“Buti itong si Eli kasal na,” sabi ni Donna. Ngumiti lang si Eli at pinakita ang engagement at wedding ring nya.
“Oo nga! Sana ako na sumunod!” sabi ni Joy.
“So sigurado ka na ba dyan?” tanong ni Kenny.
“Ano ba yan? Oo naman! Mahal na mahal ko si Jake!” sabi kong walang pag-aalinlangan.
“E diba ganyan ka din kay Maynard dati?” sabi ni Eli.
“Ay hindi kaya, hindi sya mahal na mahal kay Maynard noon. Parang mahal lang, isa lang yung mahal,” sabi ni Joy.
“Eh kay Ron ata ganyan ka din?” sabi ni Donna.
“Mahal na mahal na mahal naman yung ke Ron. Tatlo yung mahal, nasobrahan naman,” sabi ni Joy.
“Oh eh at least, right kind and right amount of love na yung kay Jake. Tama ba Aileen?” sabi ni Kenny.
“Ay naku hindi ko alam basta mahal na mahal ko si Jake at gustung-gusto ko na syang pakasalan!” sabi ko at ngumiti.
“Awwww…” sabi nilang lahat.
“Actually ayun lang talaga, gusto ko lang kayong kumustahin at para kunin ko rin ang oo nyo na kayo ay kasama sa entourage! Mauuna na ‘ko sa inyo dahil marami pa kaming pag-uusapan ni Jake,” sabi ko at tumayo.
“Mag-sesex lang kayo eh,” sabi ni Kenny.
“Aside from dun of course,” sabi ko at tumawa. Kinantyawan nila ako. “See you all soon! Mag-get together tayo! Mag-summer weekend tayo! Sa beach! Ang tagal ko nang hindi nasisikatan ng araw properly! Matagal din ako sa London at sa New York, ang boring don, walang araw!”
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomanceThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...