Chapter 8

444 18 4
                                    

“Ron!” sigaw ni Jake na nakangiti at saglit na tumingin sa’kin.

Ngumiti naman si Ron kay Jake at nag-bro hug sila. 

Taray... Nag-hug...

Hindi ako lumapit kasi, bakit ako lalapit? Hinanap nila ako ng tingin pagkatapos nilang magkumustahan.

Ngumiti ako nang pareho nila akong nakita. 

No choice ako kundi lumapit sa kanila. 

“Hi Ron.” 

“Hi Aileen.” 

Umangkla ako kay Jake. 

Nakangiti si Ron na nakatingin sa’min. 

“Ate Caroline!” bati ko sa schoolmate din namin dati ni Ron, na ex din ni Ron.

“Hi Aileen! Congratulations sa nalalapit nyong wedding ha,” sabi nya. Bumaling sya kay Jake, “Congratulations din and happy birthday Jake.”

“Thanks. Please join Maynard, or your previous workmates Ron?” Jake asked.

“Probably say hi to Maynard first,” sabi ni Ron. “Aileen, later. Jake, later.”

“Okay,” sabi ni Jake kay Ron at hinalikan ako sa sentido ni Jake.

Nakalayo na si Ron at Caroline papunta kina Maynard at Briana. “Okay ka lang Babe?” tanong ni Jake sa’kin.

“Yes. Why wouldn’t I be?” ngiti ko sa kanya.

Sumulpot uli si Jeff sa harap namin, mukhang marami na syang nainom, “Very interesting group of people 'no? All your girls,” sabay turo ni Jeff kay Jake, “and all your exes,” turo naman ni Jeff sa’kin. “Hindi ko alam kung anong mas malala.”

“Babe pagpasensyahan mo na si Jeff nakainom na,” sabi ko kaagad kay Jake.  

“I know,” sabi nya lang sa’kin. Bumulong sya kay Jeff, “Jeff, my sister is here. Look.” 

Umentra ang sister ni Jake na si Ate Lilian, beautiful and rugged. 

Tinapik ni Jake si Jeff. Tulala lang si Jeff.

“Halika Babe,” sabi ni Jake sa’kin.

“Where are we going?”

“Basta. Halika,” he said and took my hand.

Umalis kami sa malawak nilang garden kung nasaan ang party niya. Dumaan kami sa living room, sa dining area, sa kitchen, sa panlikod na garahe, sa maid’s quarters. Nakarating kami sa kaduluduluhan ng property ng family home nila. Pumunta kami sa second floor ng bodega nila at binuksan nya ang isang kwartong puro kahon. Binuksan nya ang pinto sa likod noon at bumuga ang malakas at masarap na hangin mula sa labas.

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon