Kinabukasan, natulog lang ako maghapon. Hindi umalis si Jake sa tabi ko. Para akong batang binantayan at tinulungan nyang kumain. Hindi nya ako pinayagang umalis kahit para sa preparations naman namin sa kasal ang dahilan.
Nang sumunod na araw, ayokong maging ganon ulit ang eksena kaya nagpasundo ako kay mama sa bahay nila Jake umaga pa lang para pumunta kami kay Luce, the designer, para makapagpasukat na rin si mama ng damit nya para sa wedding. Hindi ako papayagan ni Jake otherwise kaya naisip ko ang planong yun.
Kaya pumunta si mama sa bahay nila Jake.
Jake frowned at me when he realized what I did. I smiled at him sheepishly and just kissed him before mama and I went out of the house.
Ginamit ko ang isa sa tatlong sasakyan ni Jake. Sandamakmak pa na paalala ang nakuha ko kay Jake bago kami umalis. Buti sinusuway sya ng mommy nya. Gusto nya pang sumama para ipag-drive kami pero sinabi kong mabobore lang sya at bonding naming mag-ina ang gagawin namin.
Sinukatan ako ulit ni Luce after nyang sukatan si mama. “Watch what you are eating Aileen, medyo dumadagdag ang sukat mo,” puna ni Luce.
Natawa ako. “Puro kasi ako upo kila Jake mama. Kahapon, kulang na lang subuan ako ni Jake, para akong may sakit. Matrabaho rin ang pag-aasikaso ng kasal pero puro trabahong upo,” pagdadahilan ko.
“Natutuwa ako kay Jake anak. Napakasaya ko para sa’yo, para sa inyo. Kitang kitang mahal na mahal ka nya at lagi ka nyang inilalagay sa tama. Masaya at excited ka na ba sa kasal? Sa pag-aasawa?” tanong nya.
“Opo ma, excited na po ako,” tuwang-tuwa kong sabi. “Sa Europe po pala kami magpepre-nup, may race po kasi si Jake kaya isasama nya na lang daw po ako at para dun na rin kami mag-prenup.”
“Mabuti naman you still let him do his thing? Akala ko ikukulong mo si Jake eh,” sabi ni mama.
Nangunot ang noo ko, “Ako? Bakit mo naman naisip yun ma?”
“Eh sinakripisyo mo ang career mo sa New York diba? Iniisip ko baka asahan mo rin yun sa kanya,” sabi nya.
Nangiti ako. Hindi ko naman naisip yun. Ginawa ko yun dahil gusto kong makasama si Jake. If it meant being here in the Philippines with him, walang kaso yun. Mahal na mahal ko si Jake eh.
“You’ve matured na talaga. Pwedeng-pwede ka na ngang mag-asawa,” naluha si mama.
“Ma! Why are you crying?!” taranta kong tanong.
“Parang kailan lang nung buhat buhat kita,” sabi nya at iminuwestra nya yun.
“Hala? Ma, baby pa rin ako,” pa-cute kong sabi.
“Natutuwa ako at finally masayang masaya ka na,” sabi nya pa.
Alam ni mama na kahit namamayagpag ang karera ko noon, alam nyang hindi ako masaya at magulo ang takbo ng isip ko sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig ko.
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomantizmThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...