Warning: SPG
"Tatlo lang talaga?..." ulit ko at ngumisi. Tinanggap ko nang tatlo lang din ang naging sexual partners ni Ron at yun nga ata ang average for normal people kahit sangkatutak pa ang kay Jake pero gusto ko lang mangulit kay Ron.
"Ang kulit kulit mo!" pang-gigigil nya at kinurot ang ilong ko.
"Excuse me!" biglang sabi ng pamilyar na boses na tila napasinghap pa sa gulat.
"Babe!" I said pagkakita kay Jake at tumayo ako to hug and kiss him. Mataman ang tingin nya kay Ron at pumagitna sa'min, tumabi sya sa'kin.
"Mukhang you two have been enjoying yourselves. Buti pala sumunod ako," sabi ni Jake habang sinusukat ng tingin si Ron.
Tinusok-tusok ni Ron ang kape nya ng straw habang nakatiim-bagang. Narinig nya rin malamang ang tabang ng tono ni Jake.
"We were just talking," sabi ko. "How was your practice?"
"Fine," sabi nya lang. Sumama rin ang tingin nya sa'kin na pinangunutan ko ng noo.
"I think I better go," sabi ni Ron na tumayo na at nagpaalam sa'min.
"Huh? Already? Mmm, okay," sabi ko at tumayo para sana besuhan ko si Ron pero hinila ako ni Jake paupo na ikinagulat ko.
Whatda?
"It's okay Aileen. I know where the door is," sabi ni Ron at tipid na ngumiti sa'kin at umalis na.
"But you don't know your limits," bulong ni Jake na tila sagot sa sinabi ni Ron.
"Can you be any more rude?" baling ko kay Jake nang nakaalis na si Ron. "Anong ginawa sa'yo nung tao?"
Nagulat si Jake at nanlaki ang mga mata sa sinabi ko. Naghanap sya ng sasabihin at umaktong hindi makapaniwala. "Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin Aileen?"
Wow Aileen! Anyare sa Babe?!
"Nabubwisit ka sa kanya diba? Lalo na nung ginulat nya tayo at sya pala yung photographer? Ba't ngayon gusto mo na atang magpapisil ng ilong sa ex mo?" sabi nya.
Napahilamos ako ng kamay sa mukha. I calmed myself. Okay, nag-seselos sya... "Hindi ba idea mo naman na samahan nya 'ko?"
"Oo, pero hindi ko naman akalain na magtatawanan kayo," sabi nya. "Kanina pa kaya ako dito. Hindi nyo ako mapansin kasi focused na focused kayo sa isa't isa."
Huminga ulit ako ng malalim. Alam kong pag sunud-sunod na ang tagalog ni Jake, na usually englisero, galit na sya. Remember to be calm Aileen. "So pinasamahan mo ba 'ko sa kanya para mabuwisit ako? Sabi mo kasi hindi mo akalain na magtatawanan kami? So gusto mong mag-away kami at masira ang araw ko kaya pinasamahan mo 'ko sa kanya?" Hindi kita maintindihan.
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomanceThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...