Chapter 47

392 13 6
                                    

"Hmmn..." initial na nasabi ni Doctora sa pagbabasa nya ng results ng sperm count ni Jake. Pinuntahan namin sya sa restaurant kung nasaan ang romantic date nya. Ganun ka-intense yung kagustuhan ni Babe na malaman na ang resulta na ginambala pa namin ang personal na buhay ni Doctora. Inistorbo talaga namin sya at ng date nya.

"Really sorry about this," hingi ko ng paumanhin kay Doctora ulit.

"It's fine, again," sabi nya. "Date's not turning out quite well anyways," ngiti nya.

"What does it say?" nagmamadaling tanong ni Jake sa kanya.

Doctora pursed her lips before saying, "We would like for you to be in the forty to three hundred million range-"

Pinutol ni Jake si Doctora. "Three hundred million?" napalakas nyang tanong.

"Babe," suway ko kay Jake. "Yung boses mo." Napatingin pa 'ko sa paligid. May ilang nakapansin sa'min.

"Thank you," matigas na sabi lang ni Babe sa kanya pagkatapos nyang tumunganga ng matagal. Bumaling sya sa'kin. "Tara na Babe."

Aalis na? Agad?

Bago pa 'ko maayos na makapag-thank you kay Doctora, nahila na 'ko ni Babe.

"Huy," I called Babe who was walking fast in front of me. "You were rude," I told him. "Nakakahiya na nga kay Doctora tapos basta basta ka na lang aalis ng ganun," sabi at habol ko sa kanya.

He didn't stop. Tuluy-tuloy lang sya hanggang sa makarating sa sasakyan. Pinagbuksan nya 'ko ng pinto just like usual and got in himself. He looked nothing like him. He looked out of this world.

"What's happening with you Babe?" tanong ko agad sa kanya pagkapasok nya ng sasakyan.

Hindi nya 'ko tiningnan. Huminga sya ng malalim. Isinubsob nya ang mukha sa mga kamay na nasa manibela.

"Babe?" tanong ko. "Are you alright? May sakit ka ba?" Ano bang nangyayari sa kanya?

"Hindi mo ba talaga alam?" mahina nyang bulong.

Dapat alam ko ba?

Yung results? "Yung results?" tanong ko. Bakit naman sya magiging ganito kung yun?

"I'm the problem," sabi nya.

"Ha?" 'Di ko maintindihan. "Dahil kulang yung naibigay mo? Eh 'diba sabi mo awkward kasi? Kaya parang umurong ganun?" Is he seriously bothered by that?

"No," iling nya. Tumingin na sya sa'kin. "Even ganun kaunti yung sample ko, count should still be within the normal range - forty to three hundred million. Babe, mine's only ten million."

"Babe, all we need is one sperm so we could have our miracle," paalala ko sa kanya. 'Diba? One sperm fertilizes my egg then boom! Miracle! Baby na or babies!

"Still, ang baba," sabi nyang devastated na devastated. "I'm the problem."

Wait... Teka lang...

Was he thinking all along... before all this, that I was the problem?

...

If he had been thinking that, that's unfair.

But I won't tell him now. Ayokong sabayan 'tong, 'tong kababawan nya.

I've been feeling what he's feeling now for several months, for several months na tapos, tapos, ngayon lang sya naging ganito? Nung may problema pala sya sa sperm count? Kasi sya ang problema? So all along feeling nya, sya yung perfect? Bawal magka-problema sa katawan? Ako lang? He thought I was the problem?

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon