Chapter 46

345 10 3
                                    

"'Pag nagkausap na kayo ng boyfriend mo, pumasok ka na sa bahay. Sana don't take your time. Sya kakausapin mo, ako kanina pa nage-effort kausapin ka, ayaw mo," singhal, simangot at katwiran ni Jake.

Ang OA. "May itatanong lang naman siguro yung tao," sabi ko. Ibinaba ko na ang bintana ng sasakyan habang pahinto. "Uy Maynard, 'musta?" bati ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti. May inis pa 'ko kay Jake dahil sa tila pagsasawalang-bahala nya sa efforts naming magka-baby sa clinic tapos dinagdagan pa nitong surprise na si Maynard na nasa harap ng bahay namin.

"Pa-cute," Jake hissed commenting on how I greeted Maynard.

"Ano ba," bulong ko kay Jake through gritted teeth. Nginitian ko ulit si Maynard. "'Musta?"

"Busy ba kayo? May itatanong lang sana 'ko kay Aileen Jake," paalam ni Maynard kay Babe.

Tumango muna si Jake bago sinabing, "Sige."

Buti behaved.

Bumaba ako at binuksan ang gate ng bahay namin. Mabilis na ipinasok ni Jake ang sasakyan sa garahe. Walang sabi-sabi rin syang pumasok ng bahay na hindi na bumati ulit kay Maynard.

"Maybe bad time?" hula ni Maynard.

Yeah. Medyo. "Okay lang naman," sagot ko. "So, what's up?" tanong ko na trying to be cheery. I wanted to be a friend to Maynard pero mahirap nga kung may asawa ka na at kailangan mong awayin muna ang asawa mo bago ka maging kaibigan kahit kanino. Medyo bad timing nga.

"I hate to tell you this... or share this with you, or ask you about these things, kasi I now realize inappropriate and bad timing na pero kasi I have to talk to someone eh, about these things. Eh you're the perfect person para sa ganito," simula pa lang ni Maynard.

Oh my God, mahaba 'to. "And?" Bilis.

"Siguro next time na lang?" kalkula ni Maynard ng sitwasyon.

Yeah. "Sige. Ikaw. Pero about what ba?"

"About general stuff, love, life...." Binitin nya ang susunod: "Kids."

Kids. May S. Kids? 'Diba may kid sya? Singular. Plural na? "Kids? Buntis si Briana? Ulit!?" And that's a problem, why? Dahil separating na sila?

"Um, ano eh, uh..." sagot at kamot nya sa ulo.

Anong...?

Natigilan ako sa naisip.

Baka hindi naman.

Or...

Oh my God.

Yung babaeng kasama nya non? Sino na nga yun?

Yun ba yung buntis?!?! Or nabuntis? Nabuntis nya?

"What's up Maynard?" tanong ko na. Mahirap mag-assume. And fast. Magagalit na si Jake.

"I have another on the way," sabi nya.

Another what? Baby? "Baby?" I asked.

Tumango sya. "With Rory."

Ahhh. Sabi na. "Oooh..." I pursed my lips. "O-kay." So? Um, anong sasabihin ko?

"So ayun, medyo weird. It'd be hard na to push for Briana and I to reconcile kasi... ito..."

Buti pa sya may dalawa na. "Ah you wanted ba to get back with Briana sana?" tanong ko.

"Um. Well, she's the mother of my daughter..."

No. "Dapat dahil mahal mo kaya babalikan mo."

"I don't love her if I wanna be honest," uneasy nyang ngiti.

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon