Kahit matindi ang selos ko sa nabalitaan kay Mommy, nakangiti ako kasi matindi rin naman ang excitement ko sa maliit na Estanislao na parating. Kahit hindi pa sa'min ni Jake galing ang mini-Estanislao na yun, cute pa rin yun at excited ako, sabik ako sa pamangkin, sa baby, sa maliit na bata. After all, making one with Babe was what we had been working so hard on.
Hala ang cute nun! Kamukha ni Chris si Jake kaya for sure may hawig yun kay Babe!!! Waaa! Excited na 'ko!!!
Bigla kong naramdaman ang Paskong lumipas na hindi namin maayos na napagnilayan. Masyado kasi kaming naging busy sa negosyo at sa paggawa nga ng bata na hindi na namin gaanong nanamnam ang una naming Pasko bilang mag-asawa.
Next year, sa Pasko ulit, may for sure nang mini-Estanislao sa mga buhay namin!
I call Ninang!!!
Babae kaya? Or boy? Hallaaa!!! Cuuute sya either way!!!
I was busy with those thoughts na hindi ko na napansing nag-aaway na pala ang asawa at ang byenan ko tungkol sa bayaw ko. Nasa sasakyan kami ni Mommy pauwi sa family home nila.
"Have you even spoken to him Mommy or you came running to us when you knew?" Babe asked. "An' dami mo nang sinasabi eh hindi mo pa ata sya nakakausap."
"This is confusing Jacques! Si Erin ang nabuntis nya! Si Erin! Don't you understand that? I feel guilty about this. And I'm not even sure if I'm mad!" sabi ng gulung-gulong si Mommy.
"Mommy naman, alam mo namang malandi talaga si Chris. Bakit mo naman sisisihin ang sarili mo?"
"Assistant ko si Erin!" sabi ni Mommy.
"Ma, we know, ano ba?" irap ni Babe.
"Did he rape her?" naeskandalong tanong ni Mommy sa ere.
"Mommy! No!" sagot agad ni Babe. "Chris wouldn't do anything remotely like that. Mommy naman," Babe said exasperated.
"Calm down po," sabi ko na. "Let's talk to him. We're on our way na naman."
"I'm calm," mahinahong sabi ni Mommy.
Nagtinginan kami ni Babe sa sinagot nya. She was not calm and we knew it.
"Magkaka-apo na 'ko," nangiting biglang sabi ni Mommy.
Natuwa ako sa sinabi nya dahil masaya sya kahit paano sa parating na bata, na apo nya, pero kumurot rin sa puso ko na hindi sa'min ni Jake manggagaling ang unang apo sa pamilya na inaasahan sa amin.
"Pero out of wedlock naman," dugtong ni Mommy.
Sumimangot ako sa naidugtong nya at ipinakita ko ang reaksyon ko na yun kay Babe.
"Mommy naman eh," Jake said. "Can we focus here? Nakakahiya ba, kasi hindi sila kasal, ganun? Ano 'to? Eighties?"
"Nakakahiya sa pamilya ni Erin. Your brother is stupid," madiin na pagtatama ni Mommy sa ibig nyang sabihin.
"Nasa bahay pa ba sya?" tanong ni Babe. "Baka umalis na yun."
"Si Chris o si Erin?" tanong ni Mommy.
"Si Chris. Both. Where's Erin?" asked Babe.
"I worry Jake," biglang sabi ni Mommy na may real concern naman sa mukha. Hindi galit, inis o pagkatuwa, na mga nauna nyang reaksyon. "I know Chris loves his ex-girlfriend, Chloe. And I know he's trying to win her back. Dun nga nag-Pasko sa US kasama nya diba? Si Erin naman, I hope she doesn't run away with her baby, our Estanislao. But she must hate us, I'm sure. Lalo na't gago yang kapatid mo. Sino na ngayon ang Secretary ko? An' dami nyang ginulo! Jacques, please, fix this."
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomanceThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...