Chapter 13

415 14 4
                                    

Sinamaan ko ng tingin si Jake. Narealize nya ang nasambit nya at bumaba ang shoulders nya at napayuko. He looked spent, exasperated and at the same time inis na inis. 

"Justine," baling at simula ko sa asawa ng pinsan ko.

Nakakunot ang noo nya sa'king nag-aantay ng sasabihin ko. Natigil ang luha nya habang gulung-gulo. Tiningnan nya rin si Jake. Nag-iwas ng tingin si Jake at tuluyang tumalikod. 

"Anong nangyayari? Anong meron?" tanong ni Justine na papalit-palit na ang tingin sa'min. 

"Let me try to call Jeff first," sabi ko. Tumayo ako at kinuha ang phone ko. I dialled his number. 

Sumagot naman si Jeff kaagad. Lumayo ako bago nagsalita. "Jeff! Asan ka ba?! Bat di ka pa umuuwi?!" bulong kong sigaw. Ayokong marinig ni Justine na kausap ko na si Jeff dahil ayokong maisip nya na kapag iba ang tumatawag sa asawa nya, sinasagot nya agad ang tawag.

"I am such a fool. I hurt Justine Aileen," sabi nyang pabulong. Mukhang nakainom sya at mukhang umiiyak o kakaiyak nya lang. 

Napabuntung-hininga ako. Anong sasabihin ko sa kanya?

Um-appear si Jake sa mukha ko. Sinesenyasan nya ako, nagtatanong kung si Jeff daw ba ang kausap ko. Tumango ako. Palakad lakad si Jake na di mapakali. 

"Jeff, buntis si Justine. Umuwi ka na," sabi kong napapikit and hoped those words would magically make him come back home. 

Natigil si Jake sa kalalakad and looked at me, waiting for Jeff's reaction that he would see through me. 

"Alam na ba nya?" tanong ni Jeff. "Ang tungkol kay Lily?"

"Shall I tell her? I'm afraid that would stress her," sabi ko. "It's better you're here with your family anuman ang sitwasyon, anuman ang issue. Umuwi ka na, ngayon na!"

Dahil napalakas ang boses ko sa huli, kinuha ni Jake ang phone from me. Binalingan nya ako at sinenyasan to go back to Justine. 

"Pre!" simula ni Jake at umalis na kausap si Jeff sa phone. 

Nag-CR ako. Ayokong bumalik kay Justine nang wala si Jake dahil baka tanungin ako tungkol kay Ate Lily o tungkol sa conversation namin ni Jeff. I was afraid I wouldn't know what to say.

I took my time sa washroom. Kinatok ako ni Jake, "Babe, you here?"

"Um, upset stomach!" dahilan ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. 

"Oh no no no, you come out now," sabi nya and knocked frantically.

I sighed and went out. 

"Excuses mo ha," sabi nyang umiiling. "Jeff is coming home. He'll be here later. He will explain everything to Justine." Lumayo si Jake, "Now go tell Justine. Dun lang ako sa labas with Juliana," takbo nya palayo. 

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon