(A/N: :3 :3 :3)
Nagising si Mommy. Nagulat ako nang makita ko sya habang pababa ng hagdan dahil magulong-magulo pa ang buhok nya. Halatang kagigising nya lang o naalimpungatan. She has never looked like that. Her hair was usually perfectly coiffed up kahit nasa bahay lang nila. Going down the stairs and coming up to us, she also had a strange expression on her face.
"Nag-text si Chris," pag-announce nyang halata pa ang gulat. "Pauwi na daw sya."
I immediately heaved a sigh of relief. "Hay salamat."
"Nasaan na? What else did he say?" Jake frantically asked.
"Jacques magpahinga ka na, magpahinga na kayo ni Aileen. Ako na lang ang kakausap kay Chris," Mommy said.
I was aware na wala pang tulog si Babe kaya hinila ko na sya para makapagpahinga. "Halika na Babe."
"I want to see him before resting," Jake insisted telling me then looking at his mom.
"Don't get mad at him Jacques. The situation's already complicated," Mommy said worried.
"How about we check if we can all have breakfast together and talk about this while eating?" I suggested. I was hungry and I thought Babe must be too. Alam kong mas kakalma rin ang usapan kahit puyat si Babe kung busog sya. Alam ko ring hindi ko sya mapipilit na magpahinga hangga't 'di pa nya nakakausap si Chris.
"Okay, let's wait for him there," Babe agreed proceeding to the dining area. Mommy and I followed suit.
Mommy called Daddy updating him on what had been happening and was asking him to come home. Mukha namang hindi worried si Daddy kaya naiinis si Mommy.
I looked at Babe. He looked so tired, stressed out, but still focused. He's truly a rock, my rock. Pero bilang asawa nya, gusto ko nang magpahinga sya.
Like Mommy, I look upon my husband for strength pero still, we worry. I wonder if Erin will ever have that rock with Chris? Si Chris nga ba? Or will they just have the baby and maybe be just friends? If that's the case, how will they explain the situation to their baby? Kailangan ng bata ng buong pamilya. Well, yun ang ideal. But things don't happen as wonderfully like that. Erin will have to be strong if she comes out of this alone.
"I'll check Erin," I announced and stood up. "Baka gising na sya. Para rin makakain na sya."
"Thanks Aileen," Mommy nodded. She then turned to Babe, "Start eating Jacques. I know you're starving."
"Tama, kakain na 'ko para pagdating ni g*go, dire-diretso ako sa kanya," simula ni Babe ng pagkain.
"Language naman Babe," suway ko sa kanya before leaving the dining hall.
Tumuloy ako sa guest room where I knew Erin was sleeping. When I knocked at the open door and entered the room, she was already awake. She was by the window looking out.
"Erin, gising ka na pala. Breakfast na tayo sa baba," yaya ko sa kanya.
She just looked at me and meekly smiled. She looked worried. "Nandito na sya."
"Si Chris? Ah, parating na," sagot ko. "Malapit na daw sya. Nag-text sya kay Mommy kanina," patuloy at ngiti ko sa kanya, glad I was able to tell her something positive.
Umiling si Erin. "Nandito na sya."
"Ha?" tanong ko. She was saying it like she knows. "Nag-text ba sya sa'yo?" paglilinaw ko.
"Kanina pa nasa labas ang sasakyan nya," sabi nyang pilit ang ngiti.
Ha? Nandito na?
Lumapit ako sa kanya at dumungaw din sa bintana. May sasakyan nga sa kantong tanaw mula sa bintana ng kwartong yun.
"Takot na takot siguro syang pangatawanan itong bata," sambit ni Erin.
Naku. Hindi naman siguro. "Erin-" aaluin ko sana sya but I stopped 'cause I saw tears in her eyes.
"Hayyy," mahabang buntung-hinga nya. "Ang tanga ko 'no? Ang tanga tanga."
"Erin your baby is a gift," sabi ko agad. "Mapag-uusapan 'to."
"Yun nga eh. Kailangang idaan pa sa usapan. Walang natural sa mangyayari. Pilit."
Hay naku. "Anong gusto mong mangyari?" hamon ko sa kanya.
"Ipa-ampon ko na lang kaya yung bata?"
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ako naka-imik. May galit agad na sumungaw sa akin pero natutukso kasi akong akuin ang responsibilidad kaya hindi ako makapag-salita. Ilang beses akong sumubok na magsimula ng sasabihin sa kanya pero hindi ako makapagsimula.
"I've never felt so unwanted Miss Aileen," patuloy nya at pinilit ngumiti. "Mahirap lang kami pero prinsesa ako ni Nanay at ni Tatay."
Naririnig ko ang sinasabi ni Erin pero iba ang maingay sa damdamin ko.
Aampunin ko ba ang anak nila?
"Kaya Miss Aileen, ayokong ganyan si Chris habang lumalaki ang anak namin. Yang hindi sya makapasok ng bahay kasi nandito kami sa loob."
Natauhan akong bigla. Alam ko ang tama at kailangan kong sabihin ang tama. Kahit may motibo rin akong akin, kailangang tama ang mangyari, dahil yun ang dapat para sa bata. "Erin, hindi porke't ayaw ni Chris, kung ayaw man nya nga, eh aayaw ka na rin sa pagiging ina sa anak nyo. Ganyan ba ang gagawin ng nanay mo sa'yo?" katwiran ko sa kanya. Kung feeling unwanted sya, bakit ganun ang gagawin nya sa sarili nyang anak?
Hindi ang pag-ampon sa anak nila ang maitutulong ko, naming mag-asawa, sa kanila. Kahit gusto ko pa ng anak, ng bata. Mabuti pa ring sa kanila manggaling ang pagmamahal na nararapat sa anak nila. Pinasok nila ang sitwasyong 'to at kailangan nila itong pagtulungan.
"Natatakot ako," iyak pa lalo ni Erin.
Bumuntung-hininga ako sa nangyayari, sa pagod at sa banas sa kanilang dalawa ni Chris. "Alam kong dapat may karamay ka sa ganyang takot mo pero wala eh. Wala kang asawa na tutulong sa'yo pero nandito naman kami. Hindi pa tayo sigurado kay Chris, oo, pero dapat kayanin mo kahit ga'no kahirap. Hindi ito ang buhay na pinangarap mo oo, pero ito ang meron ngayon. Deal with it."
"Mamahalin kaya ako ni Chris?"
"Kahit hindi ka nya mahalin dapat okey ka. May anak ka na Erin. Kailangan matatag ka for your baby kasi sa'yo sya kukuha ng lakas at sa'yo sya matututo sa buhay."
Tumingin ulit si Erin sa labas at tila nagtaka sya kaya dumungaw din ako. Wala na ang sasakyan doon.
Sa'n na nagpunta yun?!
Bumaba ako agad. "Babe!!! Babe!" sigaw ko. "Chris' car was-"
"Hi Ate Aileen," bati ni Chris na ikinagulat ko pa. "I'm sorry," dagdag nya.
Matagal din kaming nagtitigan bago sya lumapit para yumakap. Nang nakayakap na sya, nakita kong lumabas mula dining hall sina Babe at Mommy.
"Chris?"
Naghiwalay kami ng yakap ni Chris at tiningnan nya ang tumawag sa kanya mula sa taas ng hagdan.
"Erin," banggit ni Chris.
"Pumasok ka," sabi ni Erin na tila hindi makapaniwala na hindi umalis si Chris kundi nasa harapan na nya.
"Sorry Erin," sabi ni Chris sa kanya. It was a meaningful and heartfelt apology full of hope.
Tumango naman si Erin. I saw her smile. It felt like she became hopeful about him, about them sa isinagot nyang reaksyon sa paghingi ng tawad ni Chris sa kanya.
Ngumiti si Chris, looking happy at dinaanan kaming lahat ng tingin. Pagkatapos ay umakyat sya ng hagdan para salubungin si Erin na pababa sana. Niyakap nya si Erin na ikina-ngiti pa lalo ni buntis.
Lumapit ako kaagad kay Babe sa kaunting kilig na naramdaman ko. Gusto ko kasing umasa na simula yun ng isang mabuting relasyon na maaaring mamagitan sa kanila.
Kinurot ko si Babe. "'Wag ka nang umarte ha, 'wag ka nang magalit. Kung napatawad na sya ni Erin, ikaw pa ba ang gagawa ng away?"
"I'll give this morning to him. Mamaya I'll talk to him. I need to know what he intends to do with their child."
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomanceThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...