May mga narinig akong nagsasalita.
Naamoy ko si Babe. Si Babe yun ah. Mahal ko yun.
Masakit ang ulo ko. Nagugutom ako?
Nasilaw ako sa liwanag.
Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si Jake sa tabi ko. "Babe…"
"You're awake! I was so worried!" sabi nya at hinalikan nya ang kamay ko.
“Jake, calm down. Don’t stress her,” sabi ng mommy ni Jake. Ngumiti sya sa’kin.
Naglakbay ang tingin ko. Nakita ko silang lahat dun. Nandun din si papa, ang daddy nya, si Chris, si Lily. Pati si Ron at Caroline at Maynard nandoon din.
Napapikit ulit ako. Dinama ko ang sarili ko. May masakit ba sa akin bukod sa ulo ko? Ginalaw ko ang mga binti at braso ko. Mukhang okay naman ako.
Ano bang nangyari?... Ah, nabangga kami ni Jeff.
“Si Jeff?” tanong ko.
“Other room,” sabi ni Babe na nakasubsob ang mukha sa akin.
“Give her room anak,” sabi ng daddy ni Jake at hinawakan sya sa braso.
“How're you feeling?” tanong ni Jake na lumayo ng kaunti.
“Fine. What happened? How did we-?” tanong ko.
“People saw you guys. They called me. My details are in your contact for emergencies card sa dashboard. I was so glad you have that there. How're you feeling?” tanong nya ulit.
“Okay naman. Si Jeff? Kumusta si Jeff?” I asked.
"He's fine," sabi ni papa. “Nandun mama mo. I'll call her.” At lumabas ng kwarto si papa.
"Ano bang nangyari Babe?” tanong ni Jake na dinig ng lahat.
Tiningnan ko lang silang lahat.
“Mauna na kami Jake. Aileen pagaling ka,” sabi ni Ate Lily.
“Hija pagaling ka. Anak, uwi na kami, take care of my daughter-in-law. Anak, take care,” sabi ni mommy sa’kin.
“Ate,” paalam ni Chris sa’kin.
“Aileen, okay ka lang ha? Mauna na rin kami,” sabi ni Ron at hinawakan ang paa ko. Ngumiti lang si Caroline and mouthed ‘get well.’
“Aileen rest. Get well,” sabi ni Maynard.
BINABASA MO ANG
Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)
RomanceThe search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a single individual, the opportunity to search for the one we love, to search for that one person who w...