Chapter 18

415 16 1
                                    

Helena got us a table. Apparently she dated the owner of the restaurant kaya we were immediately shown a VIP table.

Tututol sana ako dahil naiinis ako kay Helena. Wehanonamanngayon kung may kuneksyon sya sa restaurant na 'to, pero I saw George Clooney dining with some people in another area in the VIP section. Pirme na lang akong umupo sa silyang hinila para sa'kin.

"Bring h-out yor besta wine and the usual for three," sabi ni Helena sa waiter at ngumiti sa'min. "Dis dinner's on me."

"I won't let you do that Helena," sabi ni Jake.

"Yor a friend en I don't see you often. Let me do this," hikayat nya kay Jake.

"No, this is on me," giit ni Jake.

"Let me repay you por all the dinners you bought por me," sabi nya at matamis na ngumiti kay Jake na parang hindi ako nag-eexist dun.

Maraming hapunan Jake?!? Tiningnan ko si Jake ng matalim. May takot naman syang nagkibit-balikat.

"So wen are you gettin married?" matigas nyang tanong sa matigas nyang English accent. Nakatingin, mali, tinutunaw nya ng tingin si Jake.

"This coming June. Less than three months from now," ngiti ni Jake at inabot at pinisil ang kamay ko na nasa table.

Pinanood ko ang reaksyon ni Helena. Ngumisi lang sya kay Jake.

Aba't-?!... Ba't di sya nadismaya o nabwisit man lang? Kahit poker faced? Ba't ngumisi pa sya na parang may binabalak?

"Si Connor Jake? And Ron? Where are they?" ang mga salitang namutawi sa'kin pagkatapos ng malanding ngisi ni Helena kay Jake. Kailangan makakilala ng iba 'tong si Helena.

"Huh?" kunot noo nyang tanong.

"Wag mong solohin itong model mo kako, i-share mo sa mga single," I snapped at Jake at matamis na nginitian si Helena. Humarap ako kay Helena fully. "Tell me Helena, do you have a boyfriend now? How's the dating scene here in Barcelona?"

"Jake has always been my only boyfriend," bulong nya sabay yukong nahihiya.

Dahan-dahan kong nilingon si Jake sa matunog sa tenga kong bagong balitang iyon. Matindi ang paniningkit ng tingin ko.

Has always been? Meaning, still going on? Her only boyfriend?!?

Di mapakali sa upuan nya si Jake. At di sya makatingin sa'kin ng derecho. Ngayon ko lang nalalaman ang mga impormasyong kahit sa tagalog ay hindi maipaliwanag ni Jacques Marlon Gonzales Estanislao.

Kaya ba sya hinalikan kanina? Malandi lang ba si ate o dahil akala ni ate ay sila pa rin?!?!

At bakit pvtangina ngayon ko lang nalalaman 'to?!?!

Malalalim ang buntung-hininga ko. Ang tanging pumipigil sa'kin ay ang presensya ni George Clooney sa di kalayuan. Umaasa rin akong nag-CR lang si Brad Pitt at maaaring pabalik na ng upuan nya kapag nagwala ako kung napagdesisyunan ko na kung sino kina Helena at Jake ang una kong sasaktan sa takbo ng mga pangyayari. Nakakahiya yun kay Brad Pitt pag nagkataon. Baka ikwento nya pa kay mareng Angelina.

Bumulusok ang mga katanungan sa isipan ko:

Ano kayang irarason ni Jake dito?

Pano nya kaya lulusutan 'to?

Ano pa kayang mga bagay ang hindi nya pa sinasabi?

Sila pa kaya talaga?

May girlfriend pa kaya sya sa ibang bansa?

Loving, Caring Hearts Book II of Lying Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon