03 | Kuntento
━━━━━━━
“Alam kong feelingera ka pero grabe ka naman!”
Ipinikit ko ang mga mata at mas diniinan ang pagkakakurot sa kanya. Humiyaw si Reiven ngunit pagkabawi ay muling bumulanghit ng tawa. Dama kong tuluyan na ngang nawasak ang natitirang kahihiyan ko sa katawan.
“I’m actually about to go somewhere, e,” panggagaya niya sa sinabi ko. “Hayup na ‘yan . . .”
“Tumigil ka na sabi, e. Sasapukin na talaga kita,” banta ko saka marahas na hinablot ang kamay niyang may hawak sa payong. “Nababasa na ‘ko!”
“O, tapos? Nakikipayong ka na nga lang. Ang arte nito . . .” Panandalian siyang natahimik. ”I’m actually to go somewhe—puta! Ang sakit, ha!”
Inirapan ko lang siya at inagaw muli ang payong sa kanya saka nagmartsa. Pasigaw niyang tinawag ang pangalan ko bago siya humabol. Nang naabot ako ay hinablot niya sa akin ang payong at tumatawang nagpatiuna.
Napaka-immature!
“Hindi ko ma-imagine kung paanong nagawa mong magpanggap na mayaman sa harap ng mga ‘yon,” aniya mayamaya habang hinihipan ko ang noodles ko. “Hindi ka man lang ba nila pinaghinalaan?”
“Akala nila humble na rich kid ako. Madali lang silang utuin. Siopao pa, dali!”
Sarkastiko siyang tumawa. “Ang kapal talaga ng mukha mo, ‘no?”
“Babayaran ko naman! Hindi mo naman ‘to libre! ‘Tsaka ikaw na bumili. Ang sakit ng mga paa ko.”
“Bayaran mo talaga ‘yan, ano ka!” pahabol niya bago tumayo.
Sobrang lakas ng ulan. Hindi kami kasya sa payong niya kaya pinilit kong tumambay muna kami sa isang convenience store at kumain habang nagpapatila. Siyempre, mas mahirap pa ako kaysa sa daga kaya siya ang magbabayad.
Habang nakapila siya ay ibinaling ko ang atensyon sa labas. Lahat ay abala sa pagsisiksikan para hindi mabasa. Mangilan-ngilan ang matapang na sinuong ang ulan para sumakay sa sasakyan.
Malakas akong bumuntong-hininga at niyuko ang noodles na nagbubuga pa ng init.
Hanggang dito na lang kaya talaga ako katulad ng sinasabi nila? Kung paano ikinasanayang bunuin ang unos, iyon pa rin ang gagawin sa huli?
“Ano ba ‘yong raket na sinasabi mo?” tanong ko sa damuho nang bumalik na siya sa mesa at may dala na ngang dalawang siopao.
“Kulang kami ng isang tao. Sa kasal.”
Kumunot ang noo ko. “Ano?”
“Kulang kami ng isa pang tao para mag-decorate sa venue ng kasal,” pagkaklaro niya sabay kagat nang malaki sa siopao.
“Kaninong kasal? Magkano bayad? Saan?”
Sinagot niya ang mga tanong ko at sa bawat salita ay mas lalo akong nawalan ng gana.
“Alam mo, para sa ‘wala nang makain,’ ang arte mo,” iritadong komento niya nang sabihin kong hindi ako sasama.
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
Ficção GeralAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...