24 | Apelyido
___________
Ang sabi ko nga ay wala akong ibang pangarap kundi ang magkapera.
Habang excited ang mga kaklase ko noon sa high school sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, naroon ako na parang estatwang saksi lamang sa kanila. Siguro ay dahil alam kong hindi ko na kailangan pang maabala nang ganoon dahil luxury iyon para sa mahirap na katulad ko.
Pero ngayon ay nasiguro kong gusto ko lang talaga ng pera. Ayoko ng mga komplikasyon. Kaya kung matino sanang kausap si Tito Lenard, baka nagkaroon pa kami ng arrangement kung ano ang gagawin kung sa akin nga ipamamana ni Arturo ang shares niya.
Bakit ba kasi ang gago niya? Pati tuloy ako, napasubo.
“What do you think?”
Nakahalukipkip na muli kong inilibot ang mga mata. “Puwede na.”
“I don’t like your answer. Be more specific,” inarte ni Natasha.
“Ito ‘yong pinakamaganda sa lahat ng napuntahan natin. Okay na?”
“’Yan! Hindi ‘yong ang labo-labo ng mga sagot mo!”
Hindi na ako umimik at hinayaan siyang magsalita tungkol sa lugar. Excited na excited ang gaga. Kaya hinayaan ko na at hindi inasar.
Balak magtayo ng pastry shop ni Natasha kaya patingin-tingin kami ng mga puwedeng upahang lugar. Ilang araw na rin kaming naghahanap at itong pinuntahan namin ngayon ang pinakagusto ko. Bukod sa tama lang ang espasyo, maganda rin ang lokasyon. Nasa business center kasi at marami talagang tao.
“I plan to order some paintings abroad and hang them here.” Iminuwestra niya ang blangkong dingding. “Or should I just hire someone to do a mural? ‘Yon ang uso ngayon, e. And make it cartoon-ish?”
“Parehas naman na okay. Pero kung gusto mo, subukan mong ipa-mural ‘yan tapos lagyan mo pa rin no’ng mga painting.”
“Parang ang gastos naman no’n. But I like the idea. I’ll consider that. Anyway,” naupo siya sa mesa, “tuloy ba tayo next week?”
“Saan?”
“Ano pa, e di sa ospital!”
“Ah. Siguro next time na.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Are you serious? You said you’re feeling sick. Dapat magpa-check ka agad. Look at yourself. You’ve been so pale lately!”
“Next time na nga. Marami pang kailangang unahin.”
Ilang beses ko nang binalak na magpa-checkup. Kung hindi napupurnada dahil sa iba, natatakot naman ako. Siguro patay na lang kung patay. Pero sayang kung mamamatay ako agad.
Ay, ewan.
Pero may sakit ba talaga ako? Bukod sa bihirang pagkahilo at pamumutla dahil sa puyat, wala na rin naman akong ibang nararamdaman. Hindi na rin ako dinudugo sa ilong dahil lagi na akong naka-aircon.
“Like what? Seducing a husband?”
Napatingin ako sa kanya.
“I have lots of guy friends. Do you want to choose from them?”
“Ayoko nga kasing magpakasal sa ‘di ko naman kilala.”
“E di kilalanin mo ‘yong mapipili mo. Right? Why make things complicated?”
Hindi na ako kumibo.
Actually, may point naman talaga siya. Bakit hindi na lang ako maghanap ng iba, hindi ba? Sa dami ng tao at magugustuhan ang setup, mahirap ngunit malabong wala akong makuha. Pero . . . hindi ko na gustong ganoon ang mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...