35 | Inaanak
_______
Pagkatapos noon ay lumabas siya sa bahay. Hindi ko na siya hinabol. Bukod sa nangangatog ang mga binti ko, kailangan ko munang intindihin na iyon ang naramdaman at gusto niyang sabihin noon pa man.
"Tita . . ."
Katulad ko ay gulat na gulat din si Tita Vilma. May hawak siyang bayong na may lamang mga gulay. Galing yata siya sa palengke.
"Nakauwi ka na pala," marahang sabi niya, ingat na ingat.
Pagod akong ngumiti at nagmano sa kanya. "Opo. Ilang araw palang po nakalipas."
"Si . . . Si Reiven?"
"Umalis po."
"Ah, gano'n ba?"
Awkward.
Magkaharap kaming nakatayo, nagpapakiramdaman. Parehas na may gustong sabihin ngunit natatakot sa magiging reaksyon ng isa't isa.
"Ah, sige po," sabi ko mayamaya. "Balik na lang po ako sa susunod."
Alanganin siyang ngumiti sa akin na maagap ko namang ibinalik. Pagkatapos ay naglakad na ako at nilampasan siya.
Hindi pa ako nakakalayo ay tinawag niya ako.
"Sana maintindihan mo kung galit man siya, hija," malungkot na sabi niya. "Hindi naging madali sa kanya ang nagdaang taon."
Pakiramdam ko ay may nag-zipper ng bibig ko kaya hindi ko nagawang magsalita. Pero tama rin siguro 'yon. May mga sitwasyong hindi kailangan ng tugon. Katulad ngayon.
Pagkauwi at pagkahilata sa kama, mas luminaw sa akin kung paanong hindi lang ako ang naapektuhan ng panloloko ko kay Reiven. Masyadong makitid ang utak ko noon para isiping kapatawaran niya lang ang kailangan ko.
Hindi ako nakatulog nang maayos ng gabing 'yon. Duda ko ay pati sa mga susunod hangga't hindi ko nakukuha ang kapatawaran niya. Nadudurog ako sa tuwing naaalala ang pag-uusap namin ni Reiven. Iyong tingin niya, iyong mga sinabi niya, habambuhay ko yatang maaalala. Sobrang sakit pero wala akong karapatang magreklamo.
Dahil ako naman ang may kasalanan.
Magtatanghali na akong gumising kinabukasan. Medyo masakit pa ang ulo ko nang umalis ako sa kama dahil late ako nakatulog.
"Tito Lenard?"
Mula sa pagtanaw sa fish pond ko ay nilingon niya ako.
"Good morning, my sweet niece," bati niya, maaliwalas ang mukha na parang hindi ako isinusumpa. "You slept in, huh."
"Ano pong kailangan niyo?"
Mahina siyang tumawa at namulsa. "You seem upset that I'm the first person you see today. It wouldn't hurt to act that you're pleased your favorite tito came and visited you."
E kung suntukin kaya kita para mahimasmasan ka?
Binalingan ko ang maid. "Paki-prepare ng isa pang breakfast. Salamat."
"No need," sabi ng istorbo. "I won't be long."
Tumaas ang kilay ko. Bakit pakiramdam ko ay sisirain niya buong araw ko?
"I heard you've been donating to charity, Astrud," aniya pagkarating namin sa gazebo. "That's good. It'll benefit you in the wrong run. You know, goodwill and stuff . . ."
"I do not donate and expect a return, Tito."
Mapang-uyam siyang ngumiti. "Oh, my bad. I didn't take you for an altruistic person."
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...