23 | Shares
__________
“’Nay, naka-drugs lang ‘to. Huwag kayong maniwala.”
Tumaas ang kilay ko at mabilis na itinuon ang pansin kay Reiven. Ngumisi lamang siya at nilampasan ako. Pero, siyempre, kailangan niya talagang banggain ang balikat ko for dramatic effect.
Buwisit talaga.
“Ah, gano’n ba . . .” sambit ni Tita Vilma na mukhang hindi rin naman naintindihan ang sinabi ng anak niya.
“Kaya ‘wag kayong magpapaniwala diyan.” Sinulyapan ako ni Reiven. “Shabu pa.”
“Gago—”
Natapalan ko rin ang bibig nang naalalang kasama namin ang nanay niya. Ipinadaan ko na lang ang palad sa mukha at pasimple siyang m-in-iddle finger. Ikinatawa iyon ng buwisit at binelatan ako.
Mahihirapan yata talaga ako sa kanya.
“This is so nakakapagod! Why don’t you row, too?”
“Kaya mo na ‘yan.”
“Pagod na ‘ ko!”
“Mas mayaman ako sa’yo.”
“Well, I studied college!”
Tumigil ako sa pagtipa sa cell phone at tiningnan ang busangot na si Natasha. Inirapan ako ng luka-luka ngunit ipinagpatuloy din ang pagsagwan. Ang daming satsat, gagawin naman pala.
Nasa Baguio kami ngayon para magliwaliw. Naalala kong pangalawang beses ko palang dito kaya ayoko talagang magsagwan para ma-enjoy ko naman nang mabuti ang tanawin. Iyong unang pagpunta ko rito ay noong bata pa ako at nakilamay sa isang kamag-anak. Kaya kung tutuusin ay first time ko sa mga pasyalan dito dahil hindi rin naman kami noon nakapaglakad-lakad dahil walang pera.
“So what’s your plan now?” tanong ni Natasha mayamaya.
Bumuntong-hininga ako. “Ano pa ba? E di suyuin pa rin siya. Bibigay din ang ugok na ‘yon.”
“Pa’no mo naman nasabi? He seems a decent man.”
“So, ang ibig mong sabihin, disente siya kaya ‘di niya ‘ko papatulan?”
“Of course not! Your imagination is so wild! What I mean is . . . I don’t think he’s the type to marry for money.”
Tiningala ko ang langit at pinakatitigan ang palubog nang araw.
Tama siya. Mahirap ang mga Aguirre at nabubuhay lang sa araw-araw. Pero maprinsipyo sila lalo na si Reiven. Hindi nasisilaw ng pera at palaging pipiliin ang paggawa ng tama.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang mas kahanga-hanga. Iyon bang mga taong hinding-hindi patitinag sa paggawa ng tama o iyong mga taong handang lumiyad kung kinakailangan? Kasi ako, noon pa man, ilang beses nang nabalian para lang maitawid ang araw. Kung naglilista ang langit ng mga kasalanan, sigurado akong aabot din ng ilang pahina ang sa akin.
“But I know a way to make him marry you!”
Mabilis pa sa alas quatro na nilingon ko si Natasha na taas-baba ang mga kilay habang nakangisi.
“Seduce him!”
Tumaas ang kilay ko. “Anong akala mo sa’kin? Pokpok?”
“Alam mo, Ate, for a mean person, ang bobo mo.” Umikot ang mga mata niya. “If you’re mean, dapat ay matalino ka rin. Kasi if you’re bobo and you’re mean, you’d look trying hard and stupid.”
“E kung ihulog kaya kita sa tubig, ha?”
Tumawa lang ang gaga.
Magmula noong naglasing siya at inasikaso ko, mas naging walanghiya siya sa akin. Dati ay medyo takot pa siya. Tapos ngayon inuuto-uto na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...