21 | Magpakasal

150 10 0
                                    

21 | Magpakasal

______________

Noong una ay nakatanga pa ako roon, hindi pa siya lubos na naiintindihan. Pero nang tumikhim siya at nagsabing hindi niya ipinagtataka ang gulat ko, bigla akong natuod.

Kailangan kong mag-asawa para makuha ang lahat ng mamanahin ko?

Ang balak kong pakikipagkita kay Natasha ay naantala. Sinabihan ko ang driver na uuwi na kami.

“O, ang aga naman ng uwi mo,” nakangiting bungad ng hukluban habang nasa wheelchair niya.

“Totoo po ba?”

“Ang alin?”

“Na kailangan kong mag-asawa para makuha ang mamanahin ko sainyo?”

Hindi siya umimik at nanatili lamang ang tingin sa akin.

Maingay ang naging buntong-hininga ko. Kaunting-kaunti na lang ay aapaw na ang galit ko.

Asawa! Gusto niya akong mag-asawa para makuha ang manang dapat naman talaga ay para sa akin! Sinong matino at nasa tamang pag-iisip ang magbibigay ng ganoong kondisyon para magmana sa kanya? Sinong gagawa nito sa sarili niyang apo – sa sarili niyang kadugo?

“Yes. Why?”

Umawang ang bibig ko. Bakit parang takang-taka siya na ganito ang reaksyon ko?

“Hindi po yata tama ‘yon,” pigil kong isigaw sa kanya. “Bakit naman po gano’n ang kondisyon niyo?”

“Why? Don’t you want to marry?”

“Hindi naman po sa gano’n . . .”

“So what’s the problem?”

Napatitig ako sa kanya. Hindi niya ba talaga nakikita ang mali? Kasal! Asawa! Para lang magmana sa kanya?

“You may think it’s unfair—”

“Unfair po talaga,” sansala ko, nakatiim-bagang. “Kung ayokong mag-asawa, wala po pala ‘kong makukuha ni isang kusing? Ganito niyo po ba talaga ako papahirapan magpahanggang ngayon? Kasal? Asawa? Ano, laro-laro lang po ba ‘to para sainyo?”

“Bakit ayaw mong mag-asawa?”

“Hindi nga po sa gano’n!”

“O, e ano ngang problema?”

Kinagat ko ang dila. Buwisit! Paulit-ulit lang kami rito!

“You don’t have to worry about anything, hija,” sabi niya na parang iyon lamang ang kailangan kong marinig. “Habang ‘di ka pa kasal, you’ll still have money. You’re my apo. I’ll support you as much as I can.”

Gusto kong pigain kung anong dahilan niya kung bakit ganoon ang kondisyon niya. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi niya ako sasagutin at nag-e-enjoy siyang galit ako. Sa susunod na lang kapag malamig na rin ang ulo ko.

Pero . . . kasal? Asawa? Para sa mana?

“What’s the problem? E di maghanap tayo ng groom mo!” pang-eengganyo sa akin ni Natasha. “It’s so easy to find one, you know. So stop sulking and have fun with me!”

Ngumuso ako at mas pinag-igihan ang pangangalumbaba habang tinatalunton ng daliri ang bunganga ng wine glass.

Hindi ko rin napigilan ang sarili at kinausap ko kanina si Julia tungkol sa kondisyong iyon. Tradisyon daw talaga ng mga Ventura na gawing kondisyon ang pag-aasawa bago makuha ang mana. Nagsimula pa raw iyon nang panahon ng mga Kastila.

“You plan to marry naman, ‘di ba?” untag ni Natasha matapos magpasalin ng panibagong alak. “So why are you so worked up? Makukuha mo pa rin ‘yon sooner or later.”

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon