07 | Yuck
_____________
Dapat talaga ay palagi tayong maging totoo. Kung maaari rin ay huwag na tayong magbanggit pa ng kahit anong kasinungalingan. Dahil oras na maglaro ang tadhana, magiging kaawa-awa tayo na aabot pa sa puntong gugustuhin na lang nating ibaon ang sarili sa lupa.
“It was all . . . a lie?”
Dahan-dahan kong tinagpo ang tingin ng dati kong katrabaho – si Natasha. Siya iyong mayamang nagtrabaho lang para sa experience at nakasalubong namin noon ni Reiven. Nanlalaki ang mga mata niya na para bang bumaliktad man ang mundo ay ako pa rin iyong ipinakilala ko noon sa kanya.
“Wala ‘kong mayamang boyfriend. At hindi ako katulad mong may kamag-anak na may-ari ng isang kompanya,” dagdag ko sa maliit na tinig.
Wala nang dahilan para i-deny ko. Nakakapagod na rin naman magsinungaling pa. Anuman ang gawin niya ngayong alam niya na ang totoo, wala na akong pakialam doon.
“So you’re really poor?”
Aray, a. “Oo.”
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo bago nagsalita, “It must have been tough.”
Halos magtagpo ang mga kilay ko. Wala akong matagpuang pagkukunwari sa mukha niya. Nakatingin siya sa akin na tila naiintindihan niya ang lahat.
“But it doesn’t mean you’re right,” mabilis niyang bawi. “Bakit ka nagsinungaling?”
“Importante pa ba ‘yon?”
“Siyempre!” She rolled her eyes. “People lie for different reasons. So I’m curious why you did. Come on. Tell me.”
“Kahit ano pang rason, ang kasinungalingan ay kasinungalingan pa rin. It doesn’t matter whatever my intention was. I lied. Iyon lang ang kailangan mong malaman.”
Maarte siyang tumawa. “Okay.”
Kumunot-noo ako. “Anong ‘okay’?”
Mukha siyang mas nalito sa reaksyon ko. “Okay as in . . . okay. May iba pa bang meaning ang ‘okay’?”
Hindi ba siya galit? Hindi niya ba sasabihin na napakaambisyosa ko?
Weirdo ba siya?
“Anyway, so you work here na,” aniya at pinasadahan ng tingin ang convenience store. “Kailan pa?”
“Hindi pa naman nagtatagal.” Inagaw ko sa kanya ang tsitsirya ko na kanina niya pa nilalantakan. “Ikaw? Nagwo-work ka pa do’n sa call center?”
Umiling-iling siya. “Parehas tayong umalis, ‘di ba? For now, I’m tambay. Maybe I’ll rest for a month muna saka ako magdya-job hunt ulit.”
Bumagal ang pagnguya ko habang mas nagiging malinaw sa akin kung paanong unfair nga ang mundo.
Mabuti pa siya. Hindi niya kailangang mag-alala. May pribilehiyo siyang magliwaliw dahil hindi niya kailanman naging problema ang pagkain nang tatlong beses sa isang araw.
Nang lumabas si Karen mula sa convenience store ay mabilis kong itinaboy si Natasha. Ayaw niya pa sana at gusto niya raw akong hintayin hanggang sa matapos ang trabaho ko. Siyempre, hindi ako pumayag.
Alam niya lang ang sikreto ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay friends na kami.
Lumipas ang mga araw at wala naman akong narinig na sabi-sabi. Kahit na maganda ang naging usapan namin ni Natasha, hindi ko pa rin in-expect na wala nga siyang gagawin sa nalaman niya sa akin. Sanay akong pinagtsitsismisan kapag nabubunyag ang mga kasinungalingan ko. Minsan ang mga ganitong pagkakataon kaya nagtataka ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...