13 | Apo
______________
Kamag-anak?
Hindi ko pa tuluyang naiintindihan ang salitang iyon nang nakarating na kami sa bahay. At katulad nga ng sinasabi ng mga nakasalubong ko kanina, meron nga kaming mga bisita.
“Astrud.”
Umawang ang bibig ko nang tumayo si Julia. Bigla ay nanibago ako sa mukha niya lalo na at parang hindi siya mapakali.
Dahan-dahan kong inilipat ang tingin sa matandang nakaupo. Titig na titig siya sa akin at may kakaibang emosyon ang naglalaro sa mga mata niya. Inabot ako nang ilang segundo para maalalang siya ang tatay ni Julia na niligtas ko noon sa party.
“I-I’m sorry that we came unannounced,” patuloy ni Julia.
Umiling-iling ako at lumapit sa bakanteng upuan sa tapat nila. “Okay lang po. Ano po ang atin?”
Natahimik si Julia at sinulyapan ang matanda na nasa akin pa rin ang buong atensyon. Awkward akong naupo at nasulyapan si Troy na nasa kusina kasama ang best friend niya.
“W-we . . . We came here to discuss something really important with you,” sabi ni Julia na tila mas kabado.
“Sige po. Ano ba ‘yon?”
Muli ay natahimik si Julia. Kumunot ang noo ko nang bahagyang napansin ang panginginig ng kanyang bibig. Bigla ay nakaramdam na rin ako ng takot.
Ano bang meron?
“Kamukhang-kamukha mo ang ama mo, hija.”
Inilipat kong muli ang tingin sa matanda. Ang hindi ko mapangalanang emosyong naglalaro sa mga mata niya ay nakilala ko na – pangungulila.
Pero . . . kilala niya ang tatay ko?
“Ilang taon ka na?” pahabol na tanong ng matanda bago ko man maisatinig ang tanong ko.
“Magbebente quatro na po, Sir.”
“Bente quatro . . .” ulit niya na tila may rumagasang mga alaala sa kanya. “May asawa ka na ba?”
“Naku, wala pa po.” At mahina akong tumawa.
Natawa rin ang matanda ngunit hindi rin nagtagal. Muli ay tumitig siya sa akin. Naroon pa rin ang pangungulila sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.
Matagal-tagal na rin noong iniligtas ko siya. Akala ko nga ay nakalimutan na nila ako. Pero mabuti naman at hindi.
Kung pumunta sila rito para bigyan ako ng reward, hindi talaga ako tatanggi.
“Astrud, he’s Arturo Ventura,” pagpapakilala ni Julia sa matanda. “He’s . . . He’s my father.”
Ngumiti ako at tumango. “Ikinagagalak kong makilala kayo.”
“And . . . your grandfather.”
Grandfather . . .
Lolo.
Abuelo?
Kasabay ng pagkawala ng ngiti ko ay ang kalansing ng kutsara sa kusina at ang mahinang mura ng pinsan ko.
“Po?” reaksyon ko, natatawa habang kinakain ng kaba.
Akala ko ay tatawa si Julia o ano. Pero nanatili siyang nakatitig sa akin.
Teka. Seryoso ba siya?
“Your father is my father’s only biological child,” paliwanag ni Julia. “You are his granddaughter and that makes you my niece—”
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...