09 | Wheelchair

148 9 0
                                    

09 | Wheelchair

____________

“Nahihibang ka na ba?”

Lumabi si Natasha at nakadikit ang mga palad na lumapit sa akin. “Please, please, please! Just this once! I promise that this is the first and last time! Ate Astrud . . .”

Mabilis kong iwinasiwas ang kamay niya nang hawakan niya ako.

Gusto niya akong pumunta sa isang event para makita ang dapat na ka-eyeball niya! Anong akala niya sa akin? May oras para sa mga ganoong bagay?

“Ate naman, e . . .” inarte niya. “Sige na naman, o.”

“Bakit ba dinadamay mo ‘ko sa kalokohan mo? Hindi ba p’wedeng ikaw ang pumunta? Ba’t ako?”

“E kasi hindi ako p’wede!”

“At tingin mo ay p’wede ako?”

Ang weird talaga ng mayayaman. Sa tingin ba nila, porke mahirap ay maraming oras para magliwaliw? Hindi ganoon kadali maglagay ng kanin sa mesa! Hindi katulad nila ay palagi naming kailangang kumayod!

“Ate . . .” pangungulit niya pa. “This guy . . . I really like this guy.”

“O, tapos? Anong pakialam ko?”

“Ate naman, e . . .” aniya, nangingiti. “E kasi nga, ‘di ba last time, I was scammed by my ex-boyfriend? Medyo na-trauma ako kaya tulungan mo ‘ko, please. I want to make sure this guy won’t break my heart again.”

“At masisiguro mo na hindi ka niya lolokohin kung makikita ko siya sa event na ‘yon?”

Napaisip siya roon. “In a way.”

“O gusto mo lang siguruhin na pogi siya? Para madali sa’yo na hindi na siya kontakin kung ‘di siya ‘yong nasa picture sa dating app?”

Mukhang tumpak ang sinabi ko dahil humagikhik ang bruha. Sabi ko na nga ba, e. Hindi na talaga siya natuto. Kunsabagay, kung mayaman ka na, wala ka nang ibang gugustuhin kundi makahanap ng karelasyong maipagyayabang sa lahat.

“Sige na, Ate!” Niyugyog niya ang braso ko na parang ilang taon na kaming magkaibigan. “Titingnan mo lang at kukunan ng picture. ‘Yon lang!”

Tumayo ako. “Marami akong ginagawa. Wala akong panahon sa kalokohan mo.”

“I’ll give you a luxury bag—”

Mabilis akong naupong muli. “Kailan ba ‘yan?”

Ngumisi ang gaga at sinabi na ang mga kailangan kong malaman. Invited siya sa isang malaking event at pupunta rin doon iyong lalaki. Katulad nga ng hula ko, gusto niyang makasiguro na guwapo iyong nakaka-chat niya. Dahil kilala siya sa high society at usap-usapan iyong pangit na breakup niya, ayaw niya munang magpakita sa event na iyon. Kaya para makita niya pa rin iyong lalaki, naisip nga niyang ako na lang ang pumunta. Siya na raw ang bahala kung paano ako makapapasok doon at iba pang bagay kaya hindi ko na iyon poproblemahin.

Naisip kong tama naman siya at may punto. Nagsisiguro lang siya dahil talamak ngayon ang posers at malakas sa filters.

‘Tsaka . . . luxury bag din iyon.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon