33 | Aguirre

108 10 0
                                    

33 | Aguirre

________

Dahil may mga trabaho kinaumagahan, hindi rin nagtagal ang salu-salo namin. Pero nagplano agad ng inuman session si Natasha sa susunod na linggo na agad namang kinasabikan ng magdyowa.

Tahimik kong pinagmasdan ang alak sa kopitang hawak.

Hindi biro ang tinanggap kong mana sa lolo ko. Kahit hindi na ako magtrabaho buong buhay ko, mamumuhay akong hinding-hindi magiging problema ang pera. Noong una, masayang-masaya ako. Marami akong binili at pinagkagastusan. Hindi natatapos ang listahan ko ng mga gustong makuha at maranasan.

Pero nitong mga nakaraan, parang kumukupas lahat.

Hindi naman iyon kataka-taka. Lahat ng dinaranas ko ngayon, utang ko sa kasalanan ko.

Walang araw na hindi ko siya naiisip. Kung paano ba ako babawi, kung hanggang kailan ko malulunok ang pagtatago, kung mapapatawad niya pa ako. Ilang beses ko ring naisip na huwag na lang umuwi at magpakita pa sa kanya. Pero nangako ako sa langit na pagbabayaran ko lahat-lahat.

Ang hirap nga talagang kalaban ang konsensya.

“Thank you so much for taking our side, Miss Ventura,” galak na sabi sa akin ng isang matanda na miyembro ng minority. “If it weren’t for you, they would have pursued the merger.”

Malawak ko siyang nginitian. “I only voted based on my conscience.”

“Then, I must thank you for listening to your conscience and doing us this great favor.”

Mahina akong tumawa at tumango na lamang. May lumapit pang isa at inulit ko anuman ang sinabi ko sa nauna.

Katatapos ko lang bumoto sa proposed merger. Medyo tensyonado ang paligid kanina pero nairaos naman. Dahil nakuha ang boto ko ng minority, hindi matutuloy ang binabalak ng board of directors.

Naalala ko ang sinabi ni Julia – na baka makakuha ako ng kaaway dahil sa pag-ayaw ko sa merger. Well, wala naman siyang dapat ipag-alala. Buong buhay ko, nakipaglaban ako at marami nang nakabangga. Hindi na bago sa akin kung sakali.

Kasabay ang mga bodyguard ko na binaybay namin ang daan palabas ng building. Napapatingin ang lahat kaya mas lalo kong itinaas ang chin at pinagmaldita ang mga kilay ko.

Bumagal ang paglalakad ko nang napagsino ang makakasalubong namin.

Pambihira.

“Astrud?”

Mabilis akong ngumiti, pilit na pilit. “Tito Lenard.”

Buhay pa nga pala ang isang ‘to.

Sinuyod niya ako ng tingin na may halong pang-iinsulto. Ngali-ngali kong ibato sa pagmumukha niya ang purse na hawak. Isang taon nga lang talaga ang lumipas. Hindi sapat para bumait siya kahit kaunti.

Ano ba kasing ginagawa niya rito?

“How are you?” nakangising tanong niya. “I’m sorry I wasn’t able to come to your welcome party. I had some urgent matters to attend that day.”

“It’s okay. Naiintindihan ko naman po.”

Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa at pinagmasdan ako. “You really are something, huh?”

Tumaas ang isang kilay ko. Napansin niya iyon dahil tumawa siya na para bang isang biro ang buong pagkatao ko.

Ano bang problema nito? Ang daming time para mang-asar, a.

“You did not vote for the merger,” tuloy niya.

“May problema po ba kung gano’n nga?”

“Wala naman. I’m just worried if you truly understand what you voted for. After all,” nagkibit-balikat siya at mapang-uyam na ngumiti, “you don’t know much.”

Pagkatapos noon ay nilampasan niya ako.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at nagbilang hanggang sampu. Kung hindi lang ako nangako noon sa matanda na maayos kong pakitutunguhan ang manugang niyang kulang sa aruga, matagal ko na talaga ‘to harap-harapang binastos.

“Oh, by the way,” pumihit siya paharap sa akin, ngising-ngisi, “nice nose!”

Napaikot ako ng mga mata at inaya na ang mga bodyguard ko.

Nakakairita talaga ang buwisit na ‘yon! Hanggang ngayon, bitter pa rin dahil kaunti ang nakuha sa mana. Kailan ba niya matatanggap na ako ang apo – ang kadugo, ang kamag-anak? Malamang, ako talaga ang magmamana sa karamihang naiwan ng lolo ko!

Wala naman akong ganap pagkatapos ng pag-cast ko ng boto kaya sinabihan ko ang driver na magkakape muna kami bago dumiretso sa mansion. Baka rin mag-shopping ako pagkatapos namin sa coffee shop. Nasira araw ko, e. Masalba sana kahit papaano.

“Asshole talaga ‘yang tito mo. Kailan ka ba niya titigilan?” asar na asar na reaksyon ni Natasha nang tawagan ko.

Umirap ako at humilig sa kinauupuan. “Ewan ko sa kanya. Matalino rin namang tao pero hirap na hirap umintindi. Kahit ano ‘atang gawin ko, palagi siyang may masasabi.”

Ibinaling ko ang atensyon sa salaming haligi. Bumubuhos na ang ulan.

Bigla ay binaha ako ng mga alaala noong walang-wala pa ako. Ang hirap-hirap pala talaga ng buhay noon.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

“Leave him be na lang,” sabi ng kausap ko. “He’s pathetic. Wala kang aasahang character development sa kanya.”

“Ano pa naman ba ang magagawa ko?”

“Does your tita know he’s an ass to you?”

“Alam naman niya. Pero hindi na ‘ko nagsusumbong. Wala naman siyang ibang magagagawa kundi humingi ng pasensya.”

“I don’t know what your tita sees in him. She’s really pretty and they’re not on the same level. She could’ve had a better husband.”

Ano pa nga ba? Love is blind, ika nga.

Nag-usap pa kami nang ilang minuto bago ko narinig ang pagtawag sa pangalan ko ng barista. Matapos kong magpaalam sa bruha ay agad akong tumayo at lumapit sa counter.

“Oh, I think I’ll have some croissant, too,” sabi ko at binuksan ang bag para kunin ang card ko. “Make it four, please. For my companions.”

“Noted po, Ma’am,” masiglang tugon ng barista.

Ngumiti ako at muling ipinokus ang sarili sa paghahanap sa card ko. Nasaan ba ‘yon? Bakit wala rito? Ipinasok ko naman ‘yon sa bag kanina pagka-order ng drinks.

Unti-unti na akong nilalamon ng pag-aalala. Nahulog ko ba? Pero imposible naman. Tandang-tanda ko na inilagay ko ‘yon sa wallet ko. Saan naman iyon pupunta?

Napatingin ako sa tabi nang naramdamang may marahang tumapik-tapik sa braso ko at may inaabot sa akin – ang card ko!

Mabilis kong hinablot iyon at pinakatitigan. “Oh, my gosh! Salamat—”

Natigilan ako nang nakilala ang nag-abot. Bigla ay parang nasa pool area ulit ako, unti-unting iminumulat ang mga mata habang tinatanggap niya ng punong-puno ng pag-aalinlangan ang ipinilit ko sa kanya.

Shit.

Mapang-insultong tumaas ang isang sulok ng kanyang bibig. “Aguirre, ha?”

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon