34 | Matapos

108 12 0
                                    

34 | Matapos

________

Hindi ganoon katagal ang isang taon para magbago ang isang tao.

Narito siya, nakatayo. Sa harap ko. Pero hindi ko makilala.

"R-Reiven . . ."

Malamig niya akong tinitigan bago ako bahagyang binangga para makalapit siya sa counter. Nakanganga lamang akong nakamasid sa kanya.

Naka-baby blue siyang polo na nakabukas ang unang tatlong butones dahilan para kita ang pang-ilalim niyang puting sando. Naka-denim jeans siya at rubber shoes - pares na hindi ko akalaing babagay sa kanya. Naka-clean cut din siya at makinis na makinis ang mukha.

"Keep the change," dinig kong sabi niya sa cashier bago ako muling pinasadahan ng malamig na tingin at tumungo sa isang bakanteng puwesto.

May pa-'keep the change, keep the change' ka na, ha. Akala mo hindi nagrereklamo kapag kulang ng sentimo sukli sa kanya noon.

Iikot sana ang mga mata ko nang na-realize kong hindi iyon ang tamang panahon para roon.

Nagkita na kami. Isang taon, makalipas ang panloloko ko sa kanya.

Mariin kong naipikit ang mga mata. Atat na nga yata talaga ang langit na singilin ako.

Mag-isa siya sa kinauupuan, nakapamulsa, at patingin-tingin sa relo. Mukhang sumaglit lang yata rito para para sa breaktime. Pero ang layo naman yata ng idinayo niya, a.

Lalapitan ko ba? Kung lalapitan ko siya, ano naman ang sasabihin ko? Paano kung magkainitan kami at gumawa ng eksena rito?

Pero hindi naman yata katanggap-tanggap na umakto akong parang wala lang na nagkita kami. Baka mas magalit siya sa akin at hindi na nga ako magawa pang patawarin.

Kabadong humakbang ako ng isa. Dalawa. Sunod-sunod, hanggang sa halos ilang metro na lamang ang layo ko mula sa kanya. Kung ayaw niya mang mag-usap kami ngayon, sasabihan ko na lang siya ng petsa at oras. Bahala na kung sisipot siya o hindi.

Malapit na ako sa kanya nang bumukas ang pinto ng coffee shop at pumasok ang isang babae at lalaki na nagtatawanan. Mabilis ang mga hakbang na lumapit sila kay Reiven at agad na nagtanong kung na-order-an din ba sila.

Nahulog ang mga balikat ko saka lumakad palayo habang palingon-lingon sa kanila.

Next time na lang siguro.

Hindi nawala sa isip ko ang pagkikita naming iyon nang sumunod na araw. Kailangan na naming magkausap sa lalong madaling panahon. Hindi na 'to puwedeng patagalin pa.

Pero kakausapin niya kaya ako?

"It's good that you're back, dear. Most of your inherited properties are here. Dapat ay nandito ka lang para mabantayan mo."

Pormal lamang akong ngumiti saka hiniwa ang steak. Bahagya akong ngumiwi nang nakitang dumugo iyon. Ang sabi ko well-done, e.

Ayoko sanang pumunta sa family dinner na 'to sa bahay ng isang kamag-anak namin. Pero welcome party daw din 'to para sa akin at pambawi rin dahil hindi sila nakadalo sa in-organize ni Julia.

Nambola pa talaga.

Mahinang tumawa si Tito Lenard kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit kailangan niyang 'bantayan' mga ari-arian niya, Ate? May kukuha ba?"

"Well," inangat ni Tita Rosalia ang wine glass niya, "you don't know people these days. Even your," sinulyapan niya si Tito Lenard, "relatives can be thieves."

Napaubo ako sa sinabi niya. Tarantang inabot ni Julia ang tubig ko saka hinagod-hagod ang likod ko. Natawa ang ilan at narinig ko pa ang isa na nagsabing komedyante raw talaga ako sa mga seryosong sitwasyon. Hindi ko lang sigurado kung compliment ba 'yon o hindi.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon