11 | Nagdilim
___________
Nakakapanibago. Paanong nangyari iyon?
Ilang beses ko nang nabanggit na magkababata kami ni Reiven. Noon pa man ay kaaway o kaibigan ang turingan namin. Depende sa mood. Hinding-hindi talaga kami nagkakasundo nang matagal. Tapos dugyot pa siya. Mahirap! Kuntento siya sa kung ano lang ang meron sa mesa. Wala ring preno ang bibig niya at masakit siyang magsalita. Wala – as in wala – akong rason para magustuhan siya.
Pero bakit kaya ganoon ang naging reaksyon ko noong nakaraan?
“‘Tang ina mo, Troy! Pabuhat ka talaga!”
Natigil ako sa pagpihit ng door knob nang narinig ang boses na iyon. Nasundan iyon ng hagalpak ng tawa at ang reklamo ng pinsan ko. Doon ko nasiguro na hindi ako nag-i-imagine.
Narito nga ang buwisit.
“O, Astrud.”
Nilingon ko ang pinsan ko na nasa sala at tutok na tutok sa cell phone niya. Siyempre, dahil katabi lang naman niya ang buwisit, napatingin na rin ako kay Reiven. Katulad ng pinsan ko, tutok din siya sa cell phone. Ang pagkakaiba lang nila ay pangisi-ngisi ang huli na parang nawawala sa katinuan.
Tumikhim ako at eksaheradong itinaas ang baba. “Bakit ang aga mo ‘ata ngayon?”
“Walang masyadong pasahero,” buryong tugon ni Troy.
Dahil wala na rin namang patutunguhan ang usapan ay hindi na ako umimik. Sinulyapan kong muli si Reiven. Tutok pa rin siya sa cell phone at umaaktong parang wala ako roon. Hindi naman iyon weird dahil madalas namang hindi siya nambubuwisit kapag tutok sa nilalaro. Pero . . . hindi ko alam. Medyo bothered ako na hindi siya namamansin.
Pagkabihis ko ay naabutan kong maingay ang dalawa. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Mabuti na lang at may naiwan pang ulam.
Pero masyado yata akong nagsaya roon nang maaga.
“Ano ba!” angil ko nang kurutin ni Reiven ang pritong isda.
Binabawi ko na. Nag-overthink lang ako. Walang dudang hinding-hindi ko talaga siya magugustuhan!
“Ang selfish mo naman. Kurot lang, e,” inarte niya.
“E ‘yong kurot mo buong isda na!”
“Maliit lang naman, a.”
“Maliit lang ba ‘yan? E nabibilaukan ka na nga!”
Nagpatuloy ang bangayan naming dalawa hanggang sa pumagitna na ang pinsan ko.
Habang naghahabi ng mga tugon sa pang-iinsulto ko si Reiven, mas nakumbinsi ako na wala talaga kaming pagkakatulad. Gumawa lang talaga ako ng konklusyon nang walang sapat na dahilan. Ako, may gusto sa kanya? Dahil lang sa lumukso ang puso ko nang nagkalapit kami? Normal na reaksyon lang naman siguro iyon, hindi ba?
Hay naku. Ang engot ko rin talaga.
“May raket ulit kami. Gusto mo sumama?”
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
Genel KurguAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...