42 | Parusa
________
"Sino 'yon?"
Inilapag ko ang cell phone sa mesa. "Si Lorena. Katiwala ko sa mansion."
"Bakit daw? Anong meron?"
"Nando'n daw sina Rebecca."
Bumagal ang pagnguya niya. "Anong ginagawa nila do'n?"
"Ewan ko sa mga 'yon. Pagkahanda ko ng mga kailangan mo, pupunta muna 'ko do'n."
Tumango siya, nagtataka pa rin ang mukha.
Nakikipagkaibigan lang si Rebecca sa mga taong mapapakinabangan niya. Ano kaya ang gusto niya sa akin ngayon?
Pagkatapos kong magplantsa at pagbigay ng ilang snack kay Reiven, naligo na ako at nagpaalam nang aalis. Pansin ko na may gusto siyang sabihin pero pinili rin sa huling hindi importante 'yon nang oras na 'yon.
"Astrud!"
Hinawakan ni Rebecca ang mga balikat ko saka ako hinalikan sa magkabilang pisngi. Pagkatapos niya ay sumunod si Caitlyn na parang mapupunit ang mukha sa pagkakangiti. Susunod pa sana iyong dalawa pero nauubos na ang pasensya ko at tinaasan sila ng kilay.
"Hindi mo naman sinabing 'di ka pala nag-i-stay dito!" tumatawang sabi ni Rebecca. "Dito pa tuloy kami pumunta."
"Anong kailangan niyo?" malamig kong tanong.
Inangkla ni Caitlyn ang braso sa akin. "Pag-usapan natin 'yong outing. Tamang-tama at may long weekend this month. Gusto sana namin sa La Union. Pero okay din kung ililibre mo kami ng trip abroad."
Hinigit nila ako para maupo. Pagkatapos ay kinawayan ni Caitlyn ang isa sa mga katulong ko para magpa-prepare ng mga pagkain. Binigyan ako ng makahulugang tingin ng kawaksi. Tinanguan ko ito bago ito dumiretso sa kusina.
"Wala ba kayong mga trabaho?" tanong ko. "Lunes na Lunes, a."
"Nag-leave kami para makausap ka." Sinundot ni Caitlyn ang bewang ko. "O, 'di ba? Importante ka sa'min. Kaya dapat ilibre mo kami ngayon."
Nakabuka ang bibig na itinuro ako ni Rebecca. "Steak! Gusto ko ng steak! Ano, Astrud?"
"Puwede 'yon sa dinner. But for now, why don't we go for some coffee and cake?" Binalingan ako ni Caitlyn. "What do you think? I know a place."
Sabay namang sumegunda ang dalawang kasama nilang hindi ko tanda ang mga pangalan.
"By the way, grabe 'yong eksena last time, a," nakangising sabi ni Rebecca habang nakapangalumbaba. "We didn't expect you to be married. Lalo na kay Reiven. Hindi mo man lang kami inimbita."
"Cute naman talaga si Reiven. Magaling makisalamuha. Madiskarte. But this is just my opinion, ha? You could have had better," komento ni Caitlyn. "You're not that jologs anymore. Napapalibutan ka ng mga de-kalidad na lalaki. How could you choose him out of all people?"
Pagkatapos ay nagtawanan sila at nagpapalitan ng mga makahulugang tingin.
"Ganito ba talaga kayo kababa?"
Natigil sila sa paghahagikhikan at napatingin sa akin.
"What? We're just saying you could've had better. What's so wrong about that? Opinion lang naman, e," sabi ni Rebecca sa gitna ng mga pilit na tawa.
"Hindi ba't sinabi mo na kahit anong bihis ang gawin ko, basura pa rin ako?"
Unti-unting nawala ang ngiti niya. Umangat nang bahagya ang isang sulok ng bibig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...