10 | Lighter

157 9 0
                                    

10 | Lighter

___________

Dali-dali kong nilapitan ang matanda. Kabadong kinapa ko ang pulso niya.

“Sir, Sir!” tawag ko sa nagpapatrolyang sekyu. “May nahimatay po rito!”

Naningkit pa ang lalaki bago siya tumakbo papunta sa amin. Pagkatapos ay may sinabi siya sa walkie-talkie niya bago niya ako tinulungang ibalik sa wheelchair ang matanda.

Naging mabilis ang mga pangyayari pagkatapos noon. Bigla ay nasa ospital ako at pinuputakti ng mga tanong. Kung hindi pa dumating si Natasha ay nalusaw na ako sa mga salitang unti-unting nagiging punyal.

“Salamat,” mahina kong sabi nang abutan ako ng kape ni Natasha.

Tumabi siya sa akin. “Okay ka lang?”

Tumango ako at sumimsim.

“Mabuti na lang nando’n ka. Kung hindi . . .” Umiling-iling siya. “Anyway, do you know that old man?”

“Hindi.”

Pero inaasahan ko nang mayaman iyon. Kung ordinaryong tao lang siya, wala sana siya roon at hindi naka-suit katulad ng mga nasa event.

Nakakapagtaka lang talaga kung bakit naroon siya sa parking area. Iniwan ba siya roon? Naka-wheelchair pa naman siya at may sakit.

“He’s a powerful man,” sabi ni Natasha. “He was an interpreneur. Pero nang tumanda ay hinayaan niya na ang mga kapamilya niya na i-manage ang businesses niya at nag-focus na lang siya sa pag-i-invest. Actually, kaapelyido mo siya. He’s Arturo L. Ventura.”

Tumango ako.

Marami pala akong kaapelyido na mga successful. Sana dinamay na rin nila ako.

“Astrud.”

Nilingon ko ang tumawag at nanlaki ang mga mata ko nang napagsino iyon. Mabilis akong tumayo. Walang buhay ang naging ngiti sa akin ni Julia.

Bakit narito siya?

“I heard what happened,” aniya. “Thank you for saving my papa.”

Tatay niya iyong matanda? “Walang anuman po ‘yon.”

“This is the second time I am indebted to you, Astrud. I can’t thank you enough.”

“Naku, ‘wag niyo na pong isipin. Hindi naman po ‘ko nagbibilang.”

Akala ko ang laki-laki ng mundo. Laking-laki nga ako sa Maynila, e. Pero nitong mga nakaraan, na-realize ko na malaki lang ang lugar kung hindi mo nililibot.

“I’ll pay you back,” mariing sabi ni Julia. “I promise, Astrud.”

Gusto ko pa sanang artehan na hindi ko kailangan. Pero mukhang desidido siya kaya hinayaan ko na lang. Ayoko namang pahabain pa ang pagiging ipokrita ko. Bukal sa loob ang pagtulong ko. Pero kung mag-o-offer ulit siya ng pera para sa tatay niya, kukunin ko talaga. Ang mahal pa man din ng mga bilihin ngayon.

Lumipas ang mga araw at hindi nawala sa isip ko ang mga nangyari. Kumbinsido ako noong una na coincidence lang ang lahat. Siyempre, kamag-anak ni Julia iyong matanda. Dahil naging konektado kami, may tsansa talagang makilala ko rin ang mga kamag-anak niya.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon