Prologo

1.1K 28 2
                                    

Prologo

_______

“‘Tang ina, Astrud!”

Natigil ako sa akmang paglapit sa kanya. Namumula ang mga mata niya habang masama ang tingin sa akin.

Isang taon ang lumipas. Hindi ganoon katagal para magbago ang isang tao. Pero sapat na panahon para magbago ang buhay.

“S-sorry,” mangiyak-ngiyak kong sabi.

Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Kung hindi lang siguro ako babae, panigurado ay hinablot niya na ang leeg ko at sinakal.

Kung gawin niya man nga iyon ngayon, hindi ko siya masisisi.

“Putang ina. Sinabi ko sa’yo no’n na ayoko!”

“Nagawa ko lang ‘yon kasi—”

“Ano? Tiba-tiba ba?”

Napahawak ako sa bibig para mapigilan ang mga hikbi.

“Kapalit ng apelyido ko ‘yang milyones mo, aba, siyempre!” Umiling-iling siya at tinitigan ako, diring-diri. “Habang nagpapakasasa ka sa yaman mo, nandito ako, nag-iisip kung pa’nong kinaya mo ‘kong lokohin! Kaming lahat! ‘Tang ina!”

“Ginawa ko lang ‘yon dahil wala na ‘kong mapagpipilian!”

“Wala kang mapagpilian? Kaya ginago mo ‘ko?” agap niyang kontra, mas galit at nagbabaga. “Ginamit mo ‘ko? Kahit sinabi ko sa’yong ayoko? ‘Tang ina. Alam kong oportunista ka. Pero ‘di ko akalain na kinaya mo ‘kong gaguhin nang gano’n, Astrud!”

Gusto kong kumontra. Pero paano kung tama naman siya?

“Para sa pera, para umangat, kayang-kaya mong gawin ang kahit ano. Kahit manloko!” dagdag niya. “Tapos bigla ka na lang nawala.” Sarkastiko siyang tumawa. “Matapos mo ‘kong pakinabangan, bigla kang nawala!”

“K-kinailangan kong umalis, Reiven.”

“Dahil nakuha mo na ang gusto mo! Wala na ‘kong pakinabang! Tapos ka na sa’kin! Alam mo ba kung ga’no kahirap sa’kin ang nagdaang taon? Hindi, dahil makasarili ka!”

Hindi ko nagawang lunukin ang bumabara sa lalamunan ko kaya kahit ayoko man ay pinanatili ko ang titig sa naglalagablab niyang mga mata.

Isumpa mo ako, Reiven. Kasalanan ko nga ang lahat. At sa paghiling mo ng masasamang bagay sa akin, sana makuntento ka. Sana mapatawad mo ako. Dahil siguro, kung maulit man ang mga bagay-bagay, gagawin ko pa rin ang ginawa ko.

Tama ka. Masama talaga akong tao.

“’Yong kasal natin . . .”

Napatingin siya sa akin.

“I-ikokonsulta ko sa abogado.”

“Dapat lang. Para matapos na ‘tong kahibangang ‘to!” halos singhal niya sa akin bago umalis at iniwan ako roong nauupos.

Patawarin mo ako, Reiven.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon