12 | Pula

156 14 0
                                    

12 | Pula

_________

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Sumalubong sa akin ang asul na kalangitan at ang lamig ng kaulapan.

Teka. Nasaan ako?

Dahan-dahan akong yumuko at halos panawan ng ulirat nang nakita ang kabundukan sa ibaba. Anong nangyayari? Lumulutang ba ako? Lumilipad? Paano nangyari iyon, e nasa trabaho lang ako kanina?

"Lumilipad ka."

Napahawak ako sa dibdib nang nakita sa tabi ko ang isang pamilyar na mukha - si Reiven! Ngiting-ngiti siya at katulad ko ay nasa ere rin siya. Suot niya iyong paborito niyang t-shirt na sobrang nipis na dahil tatlong beses yata niya sa isang linggo kung suotin at labhan.

"Anong . . . B-bakit-"

"Kumain ka na ba ng kutsinta?" putol niya sa akin.

"Ha?" Anong pinagsasabi nito?

Ngumisi siya at gumalaw muli ang bibig. Ngunit wala akong marinig na kahit ano mula sa kanya.

"Reiven, hindi kita marinig-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang sumigaw ako nang pagkalakas-lakas. Nahuhulog ako!

Muli ay iminulat ko ang mga mata. Nang naging pamilyar ang paligid ay doon ko na-realize na nasa realidad na ako. Panaginip lang pala ang lahat.

Bumuntong-hininga ako at dinama ang mga butil ng pawis na nag-uunahan pababa sa mukha ko. Ang weird namang panaginip iyon. Nahuhulog daw ako. At kasama ko pa ang buwisit!

"Puta."

Mabilis kong binalingan ang nagsalita at halos mahulog ako sa kinauupuan nang napagsino iyon.

"R-Reiven? Anong ginagawa mo rito?"

Pambihira. Napanaginipan ko palang siya tapos narito siya?

Hindi siya umimik at mas pinagtuunan ng pansin ang namumula niyang ilong. Nagtataka ko naman siyang pinagmasdan. Nauntog ba siya o ano?

"Lumabas ka nga!" sabi ko sa kanya. "Ba't nandito ka sa kuwarto ko? Alis!"

"Gago ka. Inalagaan ka na nga, sinaktan mo na nga 'ko, tapos naninigaw ka pa?" maanghang niyang tugon, hawak pa rin ang kanyang ilong.

"Inalagaan mo 'ko?"

Imbes na sumagot ay pinaikutan niya lamang ako ng mga mata at bahagyang iniwas sa akin ang direksyon ng kanyang pagkakaupo.

Anong ibig niyang sabihin? At sinaktan ko siya? Ano bang ginawa ko?

"Nahimatay ka sa trabaho mo. Hinatid ka ng katrabaho mo kanina," aniya nang napansin ang lumalalang pagtataka ko. "Medyo may sinat ka rin at pawis na pawis. Wala si Troy kaya ako muna ang nag-alaga sa'yo."

Nahimatay ako?

Teka. Sa pagkakaalala ko, busy ako noon sa trabaho nang sumakit ang tiyan ko. Madalas namang mangyari iyon kaya hindi ko na pinansin. Pero nang pagkakataong iyon, sobra-sobra ang nadama ko to the point na pinagpawisan nga ako at bahagyang nanlamig. Hindi ko inasahan na mahihimatay ako.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon