01 | Loser
━━━━━━━
Ano kayang pakiramdam maging mayaman?
Iyong walang masyadong inaalala?
Iyong hindi kailangang mag-isip kada gabi kung paano bubunuin ang umaga?
Iyong nasa kanya na ang lahat?
"No, it's okay. I'm not really that bothered. Pang-experience lang naman 'to. It's no big deal!" dinig kong sabi ng maarte kong katrabaho habang abala ako sa pag-iipon ng mga gamit ko.
Huling araw ko ngayon sa trabaho ko bilang call center agent. Dahil hindi pumasa ang performance ko sa loob ng anim na buwan at hindi ako masyadong gusto ng team leader ko, wala na naman akong trabaho. Iniisip ko palang ang mga kailangan kong bayaran ay parang gusto ko nang himatayin. Hindi ko pa nahahawakan ang mga perang makukuha ko rito, ubos at said na.
Ang hirap maging mahirap.
"Ate Astrud, gusto mong sumama?" nakangiting baling sa akin ng katrabaho kong iyon, ngiting-ngiti. "We're going to eat somewhere."
Tingnan mo siyang ngumiti na parang mabuti sa kanya ang mundo. Paborito yata siya ni Lord. Mula siya sa mayamang pamilya at nagtatrabaho lang dito para sa experience at thrills.
Samantalang ako . . .
Bakit ang unfair-unfair ng mundo?
"Oh, I can't," madrama kong sabi. "Ano kasi . . . I'm . . . I'm going somewhere with my . . . my . . ."
"Oh, with your fiancé?"
Alanganin akong ngumiti. "Oo, e."
Ngumiti siya at lumawak ang guwang sa tiyan ko. "Where are you two heading this time? Nakakainggit talaga ang love life mo, Ate."
Ngumiti akong muli at hindi na umimik pa. Nang balingan niyang muli ang ibang kasamahan namin, binalikan ko na rin ang ginagawa.
Pakunsuwelo ko na lang sa pag-alis ko rito ay ang pagbawas ng kasalanan ko.
Matapos kong ipunin ang mga gamit nang may pagmamadali ay nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na. Siyempre, tinukso na naman nila ako na i-enjoy ang date ko with my fiancé. Pilit na tumawa lamang ako bilang tugon.
Pagkalabas ko sa building dala ang nag-iisang box na naglalaman ng mga gamit ko ay sinalubong ako ng abalang hapon ng lungsod. Mainit, maalinsangan, at nakakasilaw. Maraming tao ang kung saan-saan nagmula at patungo. Nabangga pa ako ng isa na hindi man lang ako nilingon.
Tiningala ko ang langit.
Hanggang kailan ako maghihintay sa sinasabi nilang pagpapala Mo?
Bago pa ako muling lamunin ng galit at inggit, itinuwid ko ang likod at humalo na sa mga tao. Lahat ay abala sa kanya-kanyang mga alalahanin at hindi nagtagal ay ibinahagi ko na rin ang akin.
Kailangan ko ng bagong trabaho. Hindi ako puwedeng tumambay nang matagal! Bumalik kaya ako sa bakery ni Ate Pricila? Tatanggapin pa kaya niya ako? Kakarampot nga lang ang sahod. Pero sino ba ang binibiro ko? Kailangan ko ng pera para mabuhay. Wala akong karapatang mag-inarte, lalo na at wala nang tatanggap sa akin dahil high school lang ang natapos ko.
"Mag-jeep ka na lang papunta rito," iritadong sabi sa akin ni Troy, pinsan ko, nang tawagan ko at pinakiusapang sunduin ako. "Pagod ako, Astrud."
Hindi ko napigilang magpaikot ng mga mata. Hindi pa talaga tapos sa akin ang araw na 'to. "Ngayon lang naman, e. May box kasi ako ritong dala. Medyo mabigat."
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
Tiểu Thuyết ChungAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...