16 | Katulad
____________
Magkaka-stiff neck yata ako.
“Nagpahanda ako ng mga pagkaing paborito ng tatay mo,” magiliw na sabi ni Arturo habang mabagal kaming naglalakad patungo sa pintuan.
Tumango lamang ako at muling isinukat kung gaano kataas at kalaki ng mansion niya. Inisip ko nang sobrang yaman niya. Pero na-realize ko na hindi pa pala ako ganoon kagaling mag-imagine.
Nakahilera ang mga katulong pagkapasok namin. Ipinakilala ako ng matanda sa lahat. Pangiti-ngiti lang ako habang inililibot ang tingin at tinatantiya kung magkano ang bawat gamit doon.
Ito ang iniwan ng tatay ko para pakasalan ang nanay ko.
“Your father used to play here when he was a kid,” sabi ni Arturo pagkarating namin sa malawak at berdeng-berdeng lawn. “He liked to mess your lola’s flowers. Palaging napapagalitan pero palaging masaya.”
Humihip ang hangin at nagsayawan ang mga halaman. Nai-imagine ko ang isang bata na paroo’t parito habang humahagikhik. Walang inaalala at inosente sa kahirapan.
Samantalang ako, bata pa ay napilitang tumanda agad. Habang naglalaro ang mga kaedaran ko, kailangan kong kumayod para may pambaon at panghanda sa mesa.
“Pasaway po ba siya?” tanong ko.
Malakas na bumuntong-hininga si Arturo bago tumugon, “He was. Pero mabait. Maraming bisyo. Pero alam kung kailan titigil. He was closer to your lola and he loved her dearly.”
Tumango ako, wala nang masabi pa. Iginiya niya ako sa likod-bahay kung saan may isang kabayo na ikinagulat ko. Ibabalik daw iyon mamaya sa farm nila dahil ginusto niyang makita noong nakaraan.
Lahat ng bagay dito ay gustong-gusto ko – mga bagay na hindi ko naranasan.
Kung kinilala ba nila ako noon, dito kaya ako nakatira ngayon?
Naglakad-lakad pa kami sa buong bahay. Maraming kuwento si Arturo at tila ilang taon niyang hinintay na balikan ang mga iyon. Mataman naman akong nakinig kahit madalas ma-distract dahil sa mga bagay na hindi pamilyar sa akin.
“Your lola was a sophisticated woman,” aniya, nangingiti. “Kamukha siya ng tatay mo. And they were both hardheaded.”
Tumango ako, wala pa ring masabi.
Nasa dining area kami at kumakain. Parang pista sa dami ng inihanda. Doon ko nalaman na mahilig ang tatay ko sa seafood. Siguro iyon ang isa sa mga namana ko sa kanya. Iyon lang – hilig. Kasi once in a blue moon lang ako makakain noon.
“You . . . you look so much like him.”
Natigil ako sa pagsubo at dahan-dahang inangat ang mukha. Tipid ang ngiti ni Arturo ngunit dama ko ang kasiyahan niya.
Bigla ay tila may batong bumara sa lalamunan ko.
“E di pangit siya?”
Dahil umiinom ng juice ay naubo siya. Pigil ko ang tawa nang iabot ko sa kanya ang baso ng tubig. Mamula-mula ang mukha niya nang nakabawi.
Totoo naman kasi, e. Hindi naman talaga ako kagandahan. Ang panlaban ko lang ay ang pagiging hambog ko at katarayang wala sa lugar. Tanggap ko na iyon noon pa at kuntento ako.
“You’re not ugly, hija,” concerned na sabi ng matanda. “Sino nagsabi sa’yo niyan?”
Isa rin ‘tong gusto pa akong bolahin. “Ano pong kursong kinuha ng tatay ko?”
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...