19 | Matapobre
_______________
Hindi ko maintindihan ang langit. Hindi ba ako puwedeng maging masaya? Iyong masaya lang at walang ibang inaalala? Bakit kailangang may kapalit palagi?
“Hija, are you okay?”
Gulat na napatingin ako kay Arturo. “P-po? Opo, opo.”
“Mukhang malalim ang iniisip mo. Pagod ka na ba? Do you want to go home?” Kinuha niya ang kanyang cell phone. “I’ll call Dennis—“
“Okay lang po talaga ‘ko. Huwag kayong mag-alala.”
Hindi siya kumbinsido pero wala rin siyang nagawa. Lumapit sa kanya ang isang mag-asawa at tuluyan na ngang nawala ang atensyon niya sa akin.
Inangat ko ang wine glass at idinikit ang rim noon sa labi ko. Marami-rami ang tao sa party na ‘to. Lahat ay gusto akong kausapin at si Arturo. Kung hindi ko sinabing kakain muna ako at mauupo, hindi nila ako titigilan.
Maingay akong bumuntong-hininga at tinitigan ang alak.
Bawal kaya ito sa akin? Ano kaya ang mga dapat kong iwasan?
Ilang linggo ko nang iniignora ang resulta ng pagpa-checkup ko. Okay na sana, e. Pero nakita ko pa ang lintik na envelope na iyon at para na naman akong mamamatay sa pag-aalala.
Magpa-second opinion na kaya ako?
“Are you having fun?”
Inangat ko ang tingin at naabutan ang ngiti ni Julia.
Simple lamang ang damit niyang kulay pula at nakatali ang kanyang buhok. Pero nakaw-tingin pa rin. Kahit nga yata basahan ang suot niya, mapapanganga pa rin ang mga tao.
Sana ganyan din ako kaganda.
“Ah, opo,” tugon ko. “Medyo boring pero p’wede na.”
Mahina siyang tumawa at naupo sa tabi ko. “I get what you mean. They’re all about boring stuff. Business, money. It’s exhausting.”
Ngumiti ako at tumango.
Nalaman ko sa matanda na legal na inampon niya si Julia ilang taon matapos magtanan ng mga magulang ko. Ulilang lubos si Julia at kasa-kasama ng tita niyang isa sa mga labandera sa mansion noon. Dahil masipag at mapagkakatiwalaan, ipinag-aral siya ni Arturo.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin – na tanggapin ko si Arturo kahit kunwari lang. Noong una ay hindi ko iyon naintindihan. Pero ngayong mas madalas ang interaction namin, nakita ko kung gaano niya kamahal ang matanda. To the point na kaya niyang humabi ng kasinungalingan para lang mapasaya ito.
“I’m sorry about last time, ha.”
Umarko ang mga kilay ko. “Para saan po?”
“You know . . .” Bumuntong-hininga siya. “My husband’s like that sometimes. But please don’t take him the wrong way. He’s kind naman. He was just being playful with you.”
Pilit akong ngumiti.
Playful. E bakit hindi ako natawa?
“Mukhang okay na kayo ni Papa,” aniya mayamaya. “I’ve never seen him this full of life for a long time before you came.” Matamis siyang ngumiti. “Thank you, Astrud.”
“Wala kayong dapat ipagpasalamat sa’kin.”
“Meron, ano ka ba! This is all thanks to you. Kung wala ka rito, he wouldn’t have organized this party for you and be with people. He wouldn’t have been diligent in taking his meds. He wouldn’t have been so eager to live, Astrud.”
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...