15 | Trip

124 6 0
                                    

15 | Trip

___________

Alam niyo iyong pakiramdam na tumigil sa pag-inog ang mundo? Iyong tipong pansamantala ay hindi mo alam kung nasaan ka? O buhay ka pa ba o patay na?

Kasi ako, oo. Alam ko.

“May leukemia ka.”

Napatitig ako sa batang doktor na subsob sa mga dokumentong nasa harapan niya.

Leukemia. Teka. Hindi ba at nakakatakot na sakit iyon? At sinasabi niya na meron ako noon?

Walang tuwa na mahina akong tumawa. “Dok, hindi ako nakikipagbiruan.”

Natigilan siya at tiningnan ako nang pailalim mula sa salamin niya. “Nakikipagbiruan ba ‘ko?”

Unti-unting nawala ang ngisi ko.

“Alam kong nakakagulat ang balitang ‘to sa’yo,” aniya, praktisado. “Pero sa ngayon, kailangan nating magmadali. Kailangan mong mag-undergo ng chemoteraphy.”

Marami pa siyang sinabi pero wala na akong maintindihan.

Leukemia! May leukemia ako! Paanong nangyari iyon? Sumasakit lang naman ang likod ko dahil mahilig ako sa maalat. Nahimatay lang naman ako nang isang beses dahil sa pagod at gutom. Dumugo lang naman ang ilong ko dahil hindi ako naligo at sobrang init!

“Naiintindihan mo ba, Miss Ventura?”

Sumara ang nakaawang kong bibig at walang ideyang sunod-sunod na tumango. “Opo, Dok. Maraming salamat po.”

Hanggang sa pagkalabas ko sa ospital na iyon ay para pa ring nakahawla ang ulirat ko. Hindi ako makapaniwala! Leukemia! Saan ko iyon nakuha? Paano nangyari iyon?

Naging berde na ang traffic light ngunit hindi ko pa naihahakbang ang mga paa.

Mamamatay na ba ako?

Hindi.

Hindi puwede.

Baka nagkakamali lang ang doktor na iyon katulad noon. Sinabi niyang may sakit iyong kapit-bahay namin pero wala naman pala talaga. Magpapa-second opinion ako. Wala akong sakit. Hindi pa ako mamamatay.

Leukemia . . .

Mariin kong kinagat ang ibabang labi.

Paano kung meron nga ako? Anong mangyayari sa akin? Ang bata-bata ko pa!

“Ano ba ‘yan, Miss! Gusto mo na bang mamatay?”

Mabilis akong yumuko habang nakadikit ang mga palad. “Sorry po.”

Nagmura pa iyong driver bago bumusina nang malakas kaya tumakbo na ako. Nagbubulungan ang mga tao at napapatingin sa akin. Hinayaan ko lang sila at lulugo-lugong lumakad.

Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa nararanasang maging mayaman.

Hindi pa ako kuntento sa buhay ko.

“Astrud.”

Malamig ang mga mata kong sinalubong ang tingin ng pinsan ko. Hindi ko matantiya kung excited siya o ano. Para kasing sinilihan ang puwet.

“Nandiyan lolo mo,” bulong niya.

Hindi ako nagsalita. Nagulat yata roon si Troy. Nasanay yata na nagra-rap ako kapag tungkol sa mga ‘kamag-anak’ ko ang pinag-uusapan.

Wala akong energy ngayong magalit. Mamamatay na ako. Para saan pa?

Napahawak sa kinauupuan niyang wheelchair si Arturo pagkakita sa akin. Mukhang may sakit nga talaga siya. Parang mas tumanda siya kaysa noong huli ko siyang nakita. Namumutla rin siya at mas pumayat.

The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon