36 | Sagot
_______
Hindi ko maigalaw ang ulo ko.
“Mabait ‘to si Astrud! Noong magkaklase kami, binibigyan ako niyan ng one-fourth.”
Hindi ko man siya makita, dama ko naman ang matalim na titig sa akin ni Reiven.
Utang na loob. Hanggang kailan ba ako aakto nang ganito? Nangangalay na ako!
Narito kami ngayon malapit sa pool. Hindi ko in-expect na marami kaming schoolmate na pumunta at napuno ang ipinagdugtong na dalawang mahabang mesa.
At isa na roon si Reiven.
Nakakapagtaka. Ayaw niyang pumunta sa mga ganito noon. Buwisit din siya kay Rebecca at sa mga barkada nito. Kaya bakit narito siya?
“Naku! Matagal na ‘yon! Mga bata pa tayo no’n! Mga immature pa!” sabi ni Rebecca nang nabanggit ang kademonyohan niya noon.
Ngumisi ako at ininom ang naiwang juice sa baso.
Ganoon ba ‘yon? Palagi na bang excuse ang pagiging bata para hindi humingi ng tawad sa ginawa noon?
Napaubo ako nang hindi sinasadyang napatingin sa gawi ni Reiven at naabutan siyang nakamasid pa rin sa akin. Mabuti na lang at wala namang nakakapansin sa kanya.
Pero ano ba kasing gusto niyang mangyari?
“One year ka ring nasa ibang bansa, ano, Astrud? pansin sa akin ni Caitlyn. “Bakasyon ka lang ba ngayon?”
“Ah, hindi. Dito na ‘ko. Nag-unwind lang ako do’n,” maingat kong tugon.
“Grabe namang unwind ‘yan. One year tapos abroad! Ikaw na talaga, Astrud!”
Awkward akong tumawa.
“Magkano bili mo dito?” usisa sa akin ni Rebecca habang hinahawakan at iniinspeksyon ang kuwintas ko. “Milyones ba ‘to?”
“Hindi naman . . .”
Hinablot niya ang purse ko. “E, ‘eto? Mamahaling brand ‘to, a.”
Pilit akong ngumiti saka marahas na binawi iyon sa kanya.
Pakialamera ang luka-luka.
“So, ano?” aniya nang akala ko ay titigil na siya. “Sa La Union ba tayo?”
“Oo nga, Astrud!” segunda ni Caitlyn. “Sige na! Do’n tayo sa resort mo! Paranasin mo naman kami ng rich life mo!”
Sinundan iyon ng pagsang-ayon ng iba.
“Busy ako, e. Wala ‘kong time magliwaliw ngayon,” sabi ko. “’Tsaka hindi pa naman fully renovated ‘yong resort. Marami pang kailangang ayusin.”
Umikot ang mga mata ni Caitlyn. “Baka kasi ayaw mo lang kaming dalhin do’n.”
Tumaas ang kilay ko kasabay ng pananahimik ng mga kasama namin.
“Big time ka na, e. Ayaw mo nang makisalamuha sa’min kasi nasa ibang level ka na,” patuloy niya.
“Tapos?”
Nagulat siya sa sinabi ko. Pero pinanatili ko ang malamig na tingin sa kanya.
Ako pa talaga kinanti ng gagang ‘to, a.
“Huwag kang masyadong mayabang,” balik niya. “Kung ga’no ka kabilis umangat, malay mo, gano’n ka rin kabilis lumagapak.”
“T-tama na, Cait,” dinig kong bulong ni Rebecca rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/227677989-288-k349753.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dangerous (Quantum Meruit Series #2)
General FictionAstrud C. Ventura - the dangerous. * * * Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pera? Astrud hated her life. She was poor as hell and completely an ophan. Noong naglilinis yata ang langit, nakabuka ang bibig niya para saluhin ang lahat ng kamalas...