Kabanata 3: Sakit

46 15 0
                                    


Kabanata 3

Sakit

---

His assistant lead us the way kung nasaan ang bodega and damn sobrang baho. Andaming alikabok, mga sirang upuan, mesa na sirang sira na. Tanong ko lang ano bang lilinisin dito? Bodega nga diba, Queeny?


Nagsimula na akong magwalis. Lumingon ako sa Yvan na iyon para utusan siyang kunin ang mga alikabok sa kisame pero nakita ko siyang nakipagstoryahan sa isang grupo ng kalalakihan. Ngumingiti ngiti pa siya habang nagsasalita ang isang lalaki, sa bawat sulok naman ay mga babaeng sumusulyap sulyap sa kanila. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito. Nagkakandarapa na akong naglinis pero siya? Tamang tawa lang. Nilapitan ko siya sa sobrang inis, hawak hawak ko ang walis sa kanang kamay ko.


Pumalakpak ako neglecting everyone's eyes on me.


"Wow, Ang ganda siguro ng buhay nu? Tamang usap lang sa mga tropa, galing mo rin nu? Makarating nga kay sir principal." sigaw kong sabi which made everyone's eyes dropped on me. Pati mga babae sa gilid ay nakatingin rin. Edi wow.


Recess ngayon. The reason kung bakit maraming mga estudyanteng palinga linga sa paligid.


He just looked at me lazily and smiled bitterly. Parang nagsasabi siyang heto na naman ang bruhang walang alam sa buhay kundi ang manggulo.


" What do you really need, Miss?" sabi ng lalaking kulay golden ang buhok. Konti na lang, magiging araw na siya. HAHAHAHA.


Tiniklop ko ang bibig ko at inilagay ang kamay ko sa lips as if nagugulat ako sa sinabi niya.


"Ah, di mo alam? O sadyang bobo ka kaya di mo alam?" sobra akong nainis dahil ngumiti lang ito. Nagtawanan rin ang mga barkada niya at nagbubulong bulongan sa putik na Yvan na iyon. He just smile. His smile was so evil. Demonyong demonyo. Akala ko ako lang ang demonyo pero mas pa SIYA. Nagulat ako nang kinuha ng babeng nakabraid ang buhok, may kataasan rin ang height ang walis na dala ko.


"I can do it."


Huh? Hanggang ngayon ay makakaencounter pa rin ako ng ganito? Binawi ko ang walis sa kanya. Of course, kami ang inatasan, di puede ako lang ang maglinis habang siya ay masayang nagkukwentuhan sa mga barkada niya at lalong di puedeng may uuutusin siya or magvolunteer para sa kanya. Ang swerte naman yata niya.


Inabot ko kay Yvan ang walis. Di niya tinanggap, of course, instead ang mga kaibigan niya ang tumanggap, they can do it.Sabi pa nila. Malakas kong hinawakan ang walis para di nila makuha sa akin. Ngayon punong puno na talaga ako. Nilakasan ko ang paghawak but that time ay kumawala na sila sa walis na hawak ko that made me fall sa sahig. Sh*t, ang sakit pa nang katawan ko, dumagdag pa ito. Ramdam ko ang paghalakhak nila, mas marami ang nanonood dahil sa nangyari. Ah? Ganon? Akmang itataas ko na ang paa ko para matikman nila ang kaytamis kong sapak ng nakita kong paparating na si Principal. Agad naman akong bumalik sa bodega, ganon ang mga tsismosong estudyante kasabay rin ang tropa ng lalaking yun! And at last, tumulong rin siya sa paglilinis ng kisame. Pagdating ng principal sa bodega ay naglilinis na kami.

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon