Kabanata 15Kiss
---
Una kong nasilayan ang kanyang guwapong mukha. Malakas ang pintig ng puso ko. Mas lalo itong lumakas ng humakbang na ako papalapit sa kanya. I don't know pero grabe ang kaba ko. I can feel my own heart beating. Ibang iba ito sa kayraming manliligaw ko. Ibang iba talaga siya. Ngayon lang ako kinakabahan ng ganito sa lahat ng manliligaw ko.
Hindi ako makahanap ng salita. As in blanko ako ngayon. Nakita ko ang kaibigan niyang si Miguel, Goldean, Angelo, Josh at Luis na nakaupo na loob at siyempre si Yvan.
Sa Manila, hindi ako nagpapasok ng manliligaw dahil mag-isa lang ako sa tinitirahan ko. Mahirap na. Kaya kung tutuusin, ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Nagbigay ng bulaklak si Yvan sa akin kaya tinanggap ko yun. Para akong dalagang Pilipina kung makaasta. Tahimik na tahimik Queeny ah?!
"Salamat," sabi ko. Hindi pa rin mawala ang kaba.
"Kumain muna kayo, isabay niyo na apo ko," napapikit ako ng mata. Pambihira at sinabi pa na hindi pa ako kumakain.
"Di ka pa kumakain?" bulong sa akin ni Yvan saka tinitigan ako . Makahulugan ang kanyang mga titig na para bang alam niya na nag away kami ni lolo.
"Busog pa naman ako," responde ko sa kanya.
Matalim niya akong tinitigan. Minsan kinakabahan ako sa mga titig niya na para bang kung hindi ko sasabihin sa kanya ang dahilan ay sasabog na ako.
"Kumain na tayo," sabi ni Yvan sa akin.
Ang mga kaibigan rin niya ay grabe an pandinig. Kaya instead na ako ang sasagot, sila na ang sumagot.
"Tara, Kain na tayo," at tumayo pa sila.
"Mr. Principal? May ulam pa ba kayo? Medyo malakas lakas kasi ang kain namin. Bwuhahha," utas ni Goldean na napatawa ang lahat.
"Pinapahiya mo talaga kami, Goldy."
Ngumisi lang si Goldean sa kanila. Nang inangat ko ang tingin kay lolo ay ngumiti ito.
"Tara na,"
Sabay naming tinahak ang kusina. Tinolang Manok ang ulam at medyo marami ang pagkain. Hindi ako kumain ng lunch at balak ko ring, di kumain ng dinner pero dahil nandito ay sige na lang.
I don't know if my friends sensed na nagaaway kami ng lolo ko basta si Yvan ay alam na alam yun. Lumapad ang ngiti ni lolo nang nagsiksikan kami sa iisang mesa. Si Miguel at si Angelo ay tumayo na dahil hindi na kaya sa upuan. Tawa lang ito ng tawa.
"Mr.Principal, ang sarap po talaga ng luto niyo."
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...