Kabanata 34
New
---
We enjoyed the day. He let my head rest on his shoulder. Pagkatapos ng event, nagpasyahan ng mga classmate na mag overnight. Since, nanalo kami from overall rating, our adviser agreed at siya pa ang bumalato sa amin ng pang-alak.
"Queeny! Yvan! Halina kayo!" Sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng boses. Isa sa mga classmate ko ang nagyaya sa aming dalawa. We've been sitting together while watching the stars for an hour until they called us. Ayaw ko na sana, gusto ko dito lang muna kami pero nang natanaw kong nakaform na ng circle ang mga classmate ko ay pumayag na lang ako.
"You like to go? Pwede namang dito na lang tayo." Tugon ni Yvan sa akin.
"Tara na, tingnan mo oh? Present silang lahat except sa atin."
Nakakahiya naman kung kami lang ang hindi papayag.
Tumayo kami pareho. Nalaglag ang panga ko nang may dalawang case na alak sa gitna. As in seriously? Ano bang game ito?
"Okay, walang excuse excuse 'to ah? We will be playing truth or dare with a twist."
"Ano?" Sabi ng isa.
"I know we' re all familiar with these game kaya nilagyan ko ng twist. Pipiliin ng bottle na ito kung sino ang mabibiktima and after, just like any other game, pipili ang mabibiktima kung truth or Dare ba. Kung truth, magtatanong ang isa sa atin, isa lang ah?! Yung bottle ang pipili, same din sa Dare."
" Eh, ano ang twist dun? "
" Kung hindi sila papayag sa challenge, iinom ng alak with matching dance in front of his/her crush. "
" Wuahhhhh! "
"Paano kong wala namang crush?"
"Impossible naman yan Denise!" Halakhak nang isa.
"Di na lang ako sasali, hindi pa ako pwedeng uminom eh. Bawal." Napatay naman ang sigawan. Nilingon ko si Carmela. As in? Pero napatango na lang ako as if agreeing for something. May mga tao namang ganyan and I somehow envy those type of people. It only proves na may taong nagmamahal sa kanya. Na may taong pumipigil sa kanya na bawal iyon.
"Sus ito naman si Carmela. Konti lang naman at kung ayaw mo talagang uminom, edi gawin mo lahat ng gusto naming ipapagawa sa iyo."
"At huwag kang mag-alala Carmela, sagot ni Goldean daw pag ikaw."
Nagsigawan naman sila. Nagsimula na ang pagrotate ng botelya. I stared at the bottle competitively. I wished it will not stop to me or else.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Genç KurguGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...