Kabanata 18Love You
---
Bumalik na kami sa classroom na magkahawak kamay. I've never been this PDA before pero ewan ko ba kung si Yvan ang kasama ko nagkakaganito ako!
Ayaw na ni Yvan na uupo ako katabi ni Jeffrey at lalong ayaw niyang magpaturo ako ng Science sa kanya pero I convinced him na magpapaturo ako kay Jeffrey lalong lalo dahil nasabihan ko na siya kanina.
Pagdating namin ni Yvan ay nasa harap na ang adviser namin. Natigil si sir at pati na rin ang klasmeyt namin ay tumingin sa amin na magkahawak kamay pa!
Inihiwalay ko ang kamay namin dahil kailangan ko na ring umupo sa upuan ko kanina. Narinig ko ang katahimikan ng room pagdating namin. Agad akong nakaramdam ng hiya! And Wow! Quenny! Natutu ka nang mahiya ngayon!
"Gray Yvanne and Queeny Milan. Where have you been?" utas ni sir sa amin. Siya ang adviser namin at panghuling subject na niya ngayong hapon.
"K-kanina pa kayo hinahanap ni sir," si Jeffrey na nakaupo na ako.
"Just somewhere sir," si Yvan na ang sumagot. Nawala bigla ang inis ni sir pagsagot ni Yvan. Di ko alam kung matatawa ba ako o hindi! Ibang iba talaga pag paboritong estudyante mo ang sumagot. Nakakawala ng inis.
"Anyways, we had a meeting kanina at isa sa napag-usapan ay ang buwan ng Wika. Of course, may events tayo and we are task to design sa stage. So, Paula? Ikaw ang in-charge sa designing ng stage. Bahala ka na kung anong ipagawa mo sa teammates mo okay?" tumingin si sir kay Paula tsaka tumango." Yes sir."
"Good and speaking of the said events, may mga contest rin tayong sasalihan. We had to plan ahead of time para manalo tayo. Angel?"
Biglang tumayo si Angel "Yes sir?"
"Ikaw na ang in-charge kung sino ang mga contestant. Make sure na manalo tayo ah?!" pabiro niyang sabi.
Tumawa naman ang ilan sa aming kaklase. "Sir naman!" si Angel.
"Joke only Angel," at tumawa na ito. "Anyways, hindi naman ako nag aim ng panalo as long as you enjoy the event. It doesn't matter to me. Angel? Take the lead," si sir na umupo sa mesa niya at nakipagstoryahan sa mga lalaki.
Tumayo na si Angel at Casey. Siya ang President namin at si Casey naman ang secretary. Actually I'm not used to these events. May mga events naman dun sa Maynila pero the hell I care? Imbis na makinig sa ganito ay nagcucutting classes na lang ako. Palagay ko, mas maganda pa yun keysa sa makinig.
Sinundan ko ang sulat kamay ni Casey sa board.
Poster and Slogan Making
Buwan ng Wika essay
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...