Kabanata 12
Court
---
Lumipas na ang mga araw at hindi pa ako pumapasok. Kamusta na kaya si Angel? Lage lang akong nasa bahay, kadalasan, sa kwarto nagmumukmok. Naalala ko tuloy magbubuwan na ako dito pero wala pa rin akong masyadong kaibigan. Bahala na.
Walang signal, walang facebook, walang instagram, twitter, snapchat, maloloka na talaga ako. Hindi na masyadong malakas ang regla ko kaya't naisipan kong pumasok. Hindi pa ibinigay ni lolo sa akin ang susi ng motor kaya't no choice ako kundi maglakad. Hindi ko naman gusto pilitan siyang ibigay sa akin yun.
Ang layo nang nilakad ko kaya't nakarating ako late na, napansin kong may umupo na sa chair ko at si Eliz yun, nagkukuwentuhan kay Yvan, ito namang si Yvan ngingiti ngiti rin. Pag alam ito ni Eliz na lage siyang pumupunta sa hotel kasama ang babae niya, madidiscourage yun.
Bumati ako kay teacher.
"Why are you late miss Ortegaz? At bakit ngayon ka lang pumasok?" tugon niya.
"May sakit lang po," natahimik siya sandali bago nagsabi.
"You should tell na may sakit ka, okay, take your seat."
"Thank you maam," sabi ko at hinarap ang classmate. Di pa rin umalis ang eliz na iyun sa upuan ko. Ayoko namang umupo sa unahan, baka tawagin ako, mahirap na!
Tinitigan ko lang siya, hoping na maiintindihan niya ang mga titig na yun, of course, gusto kong umalis siya sa upuan ko.
"Sorry, transferee, dito na kase ako nakaupo, diba ayaw mo namang katabi siya at gusto rin niyang hindi ka makatabi," nilingon niya ang hinayupak na mokong si Yvan. I maintained my composure. Hindi dapat ako maiinis. Wala namang kainisan pero nakakainis talaga. Ewan ko ba! Napakalandi ng Eliz na yan.
"Sa unahan ka na lang uupo, palit ko," dagdag niya.
Titig na titig si Yvan sa akin. I smiled at him. Yes, genuine ang smile na yun. And sh*t, he smiled at me too. Okay? Friends naman kayo diba? Queeny. It's normal. Fuck it's really normal. Pero bakit iba ang pakiramdam ko. Di kaya'y nagseselos ako? I can't be jealous right? Bakit naman ako magseselos, eh wala nga akong gusto sa kanya. Pumunta ako sa upuang nandoon si Angel, may katabi siyang lalaki.
"Hi, Mr. Gwapo, pwede bang palit tayo ng upuan," hininaan ko lang ang boses ko. Namula ang pisngi nito at agad na umalis. Ano kaya yun?
May ilang nakapansin na umalis siya pero ang iba naman ay nakafocus sa lesson. Akala ko ay hindi ako papansinin ni Angel dahil lusob na lusob ito sa pagtatake down notes.
"Sikat na sikat ka sa bayan dahil nakaawayan mo daw si Ate Jerna."
"Huh, bakit naman?" ganon lang yon at sikat na?
"Wala lang, iba ka talaga, hindi ka ba natatakot sa pinanggagawa mo?"
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...