Kabanata 2 : Punishment

65 16 3
                                    

Kabanata 2

Punishment

---

Dahan dahan kong binuka ang dalawa kong mata. Pambihirang buhay 'to! Nagising ako ramdam ang konting galos sa aking katawan. May konting sugat lang naman ako sa paa, likod at kaunting galos sa kamay at panga. Well, di naman importante, ang important ay buhay pa ako!

Salamat sa lalaking yun. Sobrang salamat.

Pasalamat rin siya hindi ako natuluyan. Pag natuluyan talaga ako, kakalagin ko talaga siya!

Nakakainis. Nang bumuti buti ang lagay ko ay agad naman akong pinatawag ng principal. Of course, ano pa ba? Sesermonan at paparusahan. Sana'y naman ako dyan but this time hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na masangkot sa gulong ito. Kakainis!

"Talagang napakatigas ng ulo ninyo?" lumabas ang ugat sa leeg ni Mr. Principal. Matalim kong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Nakaitim siya. May malalim na mga mata. Makapal ang kilay. Mukhang demonyo! Nakakairita! Mamaya ka sa akin. Lalaki ka! Humanda ka!

"Miss Sanches?" tawag ulit ng Principal.

"Yes, sir?" Sagot niya naman.

"Tawagan mo ang magulang nila," sumalubong ang kilay niya, with matching redness on his eyes. I got some bruises pero malayo lang sa bituka.

"Hashtag safe. Wala akong magulang," I crossed my arms and raised my brows. Sinipatan ko ang demonyo sa harapan ko. Wow ha? Tila wala siyang paki-alam sa nangyayari. He just crossed out his legs and his arms at tamad niya akong tinitigan. Siya pa ang unang nag iwas ng tingin. He smirked.

Mas lalo akong nainis. Tinikom ko ang bibig ko and bite my lips inside it.

"Tumahimik ka at baka madagdagan ko pa ang pasa sa mukha mo," kung kanina ay parang moderate lang ang galit niya, ngayon ay nag-uusok na. Kitang kita ko ang pamumula ng mata niya.

" Sir, mga transferee po sila. Ang babae po, ang pangalan niya ay Queeny Milan Ortegaz , lolo po niya si Robert Ortegaz, the retired principal, actually siya po ang principal before you , alam niyo po mabait po iyun, matalino pa," natigilan ako sa huling sabi ng guro. Kailangan pa talagang sabihin yun?

Hinilot ng Principal ang sentido niya.

"At yung isa?" sabi niya pinipigilan ang galit.

"Siya naman ay si Gray Yvanne Scottes. Sila po ang may ari ng Scottes Company. Ang ama niya po ay si Alfonso Scottes at ang ina niya po ang nagmamayari ng hotel sa Manila at lupain na rin dito sa probinsiya."

Bahagya akong napatawa. Nagtaas ako ng kilay sa lalaking kaharap ko ngayon.

Ah? Dahil ba ayaw niya akong tulungan at ang bilis niyang tumakbo dahil ang alam niya ay pagmamay-ari niya lahat? Ayos ka! Lalaki ka! 

"Can I now leave?" matigas na ingles niyang sabi. Mas lalo akong nag-uusok. How dare him! At siya pa ang may ganang magsabi ng ganyan?! Wow. Men! Di purket mayaman ka ay pwede ka nang umalis! Kainis!

"Hahahaha," tumawa ako ng malakas. "Hoy! Lalaking walang ambag sa lipunan. Porket, anak ka ng nagmamay-aring lupain dito ay hindi mo na kailangang panagutan ang tungkulin mo! Sobrang hiya naman ako sa sarili mo."

"At ano naman ang kailangan kong panagutan? " pinasadahan niya nang tingin ang itsura ko ulo hanggang paa. Ang dumi dumi pa ng damit ko. He smirked.

"To let you know Miss, wala akong panagutan dahil wala naman," Malamig at tipid niyang sabi.

"Sir Salado, Sorry for the trouble. This cause you great and I feel apologetic."

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon