Kabanata 20
Broke
---
"Lolo," tumayo siya nang nakita akong dumadating.
Nagmano pa si Yvan sa kanya bago umalis. Maganda ang trato ni Lolo kay Yvan kaya't hindi naman masama diba kung aaminin ko sa kanya na kami na pero bago pa mangyari yun ay narinig ko ang galit niya.
"Ba't ngayon ka lang dumating? Alas nuebe na! At kasama mo pa ang lalaking yun! Milan! Kinakausap kita."
Ayokong sumbatan si lolo kaya nagpunta kaagad ako sa kwarto.
"Hindi pa kita pinapayagan ng ganyan. Humarap ka sa akin. Bakit ginabi ka ng uwi? At paanong ang lalaking yun ang kasama mo?"
Napapikit ako sa sinabi niya. Ayoko na sanang sumbatan eh! Pero nakakainis talaga!
"Bakit ba pinapakialaman mo ang buhay ko? Boyfriend ko na siya. Ou! Sinasagot ko siya at ano namang masama kung umuwi ako ng gabi! E sa Manila nga! Madaling araw na akong nakakauwi!"
"MILAN," sigaw niya sa akin. Halatang galit na galit.
"Ano?" di ko alam pero nangingiyak na ako. Nasa kwarto ako habang siya ay nasa sala. Gusto niyang humarap ako pero di ko kaya. Tumulo ang luha ko! Nasasaktan ako.
"Ano namang paki mo? Dati ba may paki ka sa akin? Diba wala? Wala ka nun! Wala ka nung kailangan ko nang karamay! Wala ka nun nang pinapangarap kong dalhin mo ako dito at lalong wala ka nun ng namatay sila mommy at daddy. Wala ka nun! At ngayon pinapakialamanan mo ang bawat kilos ko? Sino ka ba ha? Sino ka ba? Para gawin sa 'kin' to. "
" MILAN," ikalawang banggit niya na sa akin 'to.
"Ano? Palalayasin mo ako sa pamamahay mo? Dahil hindi ako umuwi ng maaga? Na kasama ko ang boyfriend ko? Sige lalayas ako! "
Umalis ako sa kuarto at padabog akong lumabas. Huli ko nang nabalitaan na nasa harap ko na si Lolo. Galit niya akong tiningnan at kaagad na sinampal ang kaliwang bahagi ng aking pisngi.
Kita ko ang sunod sunod niyang paghinga na para bang kinakapos na siya ng hininga . Buong tapang ko siyang tinitigan. Hinarap ko siya with my eyes on him.
"Lalayas ako."
At linagpasan siya.
Bago ako makalabas ay narinig ko ang mababang boses niya "MILAN."
But hell I care! My tears flow. Sunod sunod ang luha na tumulo sa aking mga mata. I wipe all of those slowly.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...