Kabanata 38 : Live

16 2 0
                                    


Kabanata 38

Live

---


Hindi ko pa muna pinaalam kay Auntie na buntis ako. Pagkatapos ng libing ni lolo ay binagsak ko ang katawan sa kama. Nadududuwal ako. Tumayo at dali-daling nagtungo sa CR. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin. Lagi akong tumatago kapag sumusuka na ako. Naiyak na naman ako.


Paano na ito?


Nanatili akong umiyak sa loob ng banyo.


"Queeny," tawag sa akin ni Auntie. Umupo muna ako sandali dahil nahihilo. Hindi ko kaya ito. Nanghihina ako.


"Auntie," tawag ko sa kanya.


"Nasa'n ka? May ginagawa ka ba? Tulungan mo muna ako dito."


"Opo," pagtawag ko sa kanya. Tumayo na ako at papalabas na sana sa banyo nang bigla na naman akong dinalaw ng pagkasuka.


"Uhhhh," Sh*t! Narinig ni Auntie.


"Queeny? Ano yan?" Naramdaman kong unti - unti siya lumalapit sa akin. She opened the door at nasaksihan ang lahat ng pagsusuka ko.


Bumuka ang bibig niya at dumilat ang dalawang mata. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago niya ako dinaluhan.


"Anong nangyari sa iyo?" Unti-unting pumapatak ang luha ko.


"Auntie, buntis ako."


"Sh*t!" Utas niya. "Sino ang ama? Wag mong sabihing-" Napatango ako habang umiiyak.


"Jusko. Nasa'n na iyon?"


"Auntie, ayokong malaman niya."


"Queeny naman! Buntis ka! Kailangan niyang malaman!"


"Auntie kaya kong panagutan ito. Auntie ayoko na. Ayoko munang makita siya at bumalik-"


"Queeny! Buntis ka. Kailangan ng suporta. Pupuntahan ko ang lalaking iyon. Hindi pwede ito. Hindi." Umiiling iling si Auntie.


"Auntie huwag!" Umiiling iling ako sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Nagmamakaawa na huwag na.


"Please po. Huwag po Auntie. Sasabay ako sa inyo. Kailangan kong magtrabaho para pantustos. Hindi na muna ako mag-aaral. Kailangan kong makaipon. Auntie. Huwag kang pumunta. Please Auntie nagmamakaawa ako sa iyo. Huwag."


Umalis si Auntie. Kahit anong tawag ko ay hindi siya lumingon. Hindi pwedeng sabihin nya. Hindi.

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon