Kabanata 30
Reason
---
"Sorry, si Michael na kasi ang unang nagyaya-" Napunta sa ere ang sinasabi ko nang agad niyang hinahawakan ang kamay ko, binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at pinasok ako sa loob, Nagmatigas ako, gusto kong umalis pero ayaw bumukas ang pintuan. Ilang sandali ay pumasok na siya sa loob at kaagad na pinaandar ang sasakyan. Parang hindi ako makahinga sa sobrang inis ko! Ano ba itong ginagawa niya?
"Ano ba?! Itigil mo nga ito!" Sigaw ko sa kanya. Inis na inis pa rin. Ewan ko ba! Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig?! Hindi niya hininto ang sasakyan at magpatuloy lang sa pagdadrive.
Ilang minuto akong nakikusap sa kanya na ibaba na ako! Bahala na kung maglalakad lang ako sa kalsada. Wala akong paki! At anong paki ba niya? Wala na nga kami diba? Ba't ba niya ako hinintay? At anong ba ang purpose niya, bakit niya ito ginagawa sa akin?
"Itigil mo nga ang sasakyan! Nakakahiya kay Micheal, nagyaya tas -"
Nagulat ako nang biglang niyang itinigil ang sasakyan. Bababa na sana ako nang biglang siyang nagsalita.
"Hindi ko girlfriend si Sarah at hindi ako kailanman nagkagusto sa kanya."
Natawa na lang ako sa seryoso niyang pag-amin. As if maniniwala naman ako?
"Impossible!" Sarkastiko kong sabi sa kanya!
"Mom just want me to marry her."Napapaos na ang boses niya ngayon.
" Edi pakasalan mo siya! Fiancee mo na siya right? "
" Ikaw ang gusto ko."
Nagkatinginan kami. Inihilig niya ang ulo sa backrest ng upuan. It feels as if gusto niyang maiyak pero pinipigilan lang niyang tumulo ang luha niya. E wala naman akong magawa diba? Ganun naman dapat diba? May pag - asa silang dalawa! Habang kami ay wala. Tapos na kaming dalawa and no matter how we in love to each other hindi na maibabalik pa ang dati naming pagsasama.
But why is it hard?
Hindi ko siya gusto okay? This is the only thing I want to set on my mind. That we should not be together! Sige na nga! Gusto ko siya! Nagustuhan ko na siya! Damn it! It was really hard to admit dahil hindi naman ako ganito dati!
Pinaandar niya at last ang sasakyan nang natahimik ako. Malapit naman kami kaya ilang drive lang niya ay dumating na kaagad kami sa bahay. Dali akong lumabas sa kotse niya. NI hindi na ako nagpasalamat sa kanya. Hindi naman siya nagsalita matapos ang confession niya sa akin.
Ayoko munang mag-isip ngayon! I don't want to think. I don't want to think on his confession! Sana nga lang ay hindi niya sinabi iyon para hindi na naman matunaw ang namamaga kong puso. For the past few days, I was thinking that maybe, he's really a playboy na kahit sinong babae pati ako ay kayang kaya niyang saktan.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...