Kabanata 33 : Everything

18 1 0
                                    

Kabanata 33

Everything

---


Buwan ng Wika.


Basa ko sa disenyo na nasa stage. Alas sais pa lang ay nagtipon-tipon na kaming mga classmates. Nag-hire yung adviser namin for make-up. Actually, ang mga babae ay ini-encourage na dapat alas singko ng umaga ay andun na sa school para hindi magmadali ang mga make-up artist na pagandahin ang mukha nila. May iba namang maaga talaga at may iba namang ang tigas tigas ng ulo.


Sinundo ako ni Yvan sa bahay. Kaya, hindi ko na dala ang motorsiklo ko. Pinapaalahan pa nga niya akong huwag kong galingan sa pagsasayaw namin ni Michael. E anong ibig niyang sabihin dun? Kung hindi ko gagalingan, hindi kami mananalo.


Sarah is beautiful. Mini-make-up-an na siya ngayon ng artist.


"Grabe ang tangos ng ilong mo teh," Sabi nung bakla.


"Hindi yan nakakaintindi kung di english!" Si Goldean na tawang tawa. Yvan want me to be with them again pero ako yung ayaw. He didn't force me either.


"Your nose is very long. You know!" Tawang tawa naman ang mga klasmeyt ko sa english ng isang bading. Hindi talaga boring pag may mga bakla kang nakapaligid. The room was filled with happiness.


Umupo muna ako sa gilid. Busy pa kasi yung dalawang bakla sa ibang mga kaklase kong mini-make - up rin.


"Coffee?" Offer niya sa akin. Hindi kasi ako kumain sa bahay. Kailangan kasi ng maaga, ayun tuloy hindi na ako nakakain. Kita ko ang supot na dala niya. Sa kabila naman ay kape na nilagay pa sa Styrofoam for takeout.


Tinanggap ko iyon. Kailangan ko ng energy,"Thank you."


"Kumain ka na rin. May dala akong pagkain." Tumango naman ako. "Ou, sige. Thank you. May gagawin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.


"Bakit?"


"Pabili ng alpiril. Nakabili na ako kagabi. Nakalimutan kong dalhin eh."


"Sige. Yan lang ba?"


"Ou," Tumango ako. Paalis na siya nang tinawag siya ni Sarah.


"Yvan!" Lumingon si Yvan sa tawag ni Sarah. Goodness!


"Buy me a coffee and food. I am starving." Demand ni Sarah sa kanya. Nakita kong lumingon sina Luis sa akin. Goodness! Ano naman! Ano iyon naiingit siya sa akin?


"Okay," Sagot ni Yvan pero parang gulat rin siya nang sinabi iyon ni Sarah.


Hinayaan ko na lang. Mini-make-up-an na ako nang dumating na si Yvan. Ako ang huling mi-nake-up-an nila. Ang isang bading ay nag-aayos na sa susuotin ng iba.

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon