Kabanata 31:Mata sa Mata

19 1 0
                                    


Kabanata 31 

Mata sa Mata

---


Hindi ko na maalala kung anong nangyari pagkatapos basta ang alam ko lang ay matiwasay na akong nakahiga sa kama. Bigla na nga lang akong dumilat nang naramdamang ang init na pala!



Ang praktis! Ang klase!



Kaagad akong bumangon. Lolo was just sitting sa sala, hinihintay akong gumising.


"Lolo, anong oras na ba?"


May relo kasi siya. Hindi niya ito tiningnan.


"Kumain ka na. Hinatid ka ni Yvan kagabi. Sabi niya pagod ka raw kaya hindi na kita nagising. Wag ka na lang pumasok ngayon."



"Ano? Hindi pwede lolo. May praktis kami ngayon."



"Siya na daw ang bahala."



Natulala ako sa sabi ni lolo. Hindi niya ako pinagalitan. Ano? Hindi niya ba pinaalam kay lolo na nalasing ako? Ano yun?



Dahil gutom na rin ako ay kumain na lang ako. May lucky noodles na nihanda ni lolo kaya ito ang una kong ininom para sa hangover. Matagal ako sa kusina kasi gutom na gutom ako at medyo gusto ko na ang maraming sabaw. Ang resulta? Grabe ang pawis ko!


Hindi na lang ako pumasok sa umaga. Malilate naman ako kung sakaling papasok pa ako.



Hindi ko alam kung alam ba ni lolo na naglasing ako. Impossible namang hindi niya alam diba? Nilutuan pa nga niya ako ng noodles. Pero impossible namang hindi niya ako pagagalitan diba?


Pero, kahit na kailangan ko paring sabihin sa kanya ito o itanong man lang.


"Lo, sorry po. Naglasing po ako kagabi." Tinitigan lang niya ako. Huminga ako ng malalim. Hindi siya nagulat sa pag-amin ko. Alam niya talaga na naglasing ako kagabi.


"Did you usually do it?" Tanong niya. Mahilig ako uminom pero kapag maaalala ko lang sila at sa tuwing malulungkot ako.


"Pag nami-miss ko sila." Pag-amin ko. I never been very vocal to my feelings especially kay lolo. Noon ou, pero simula nung namatay sila. Ayoko nang makita pa siya. But fate does want to test me.



Natahimik si lolo. "CR lang po ako." Pag-excuse ko. I don't want to deepen our story telling dahil alam kong masasaktan lang ako. I don't want to talk about it.



Naligo ako para sa panghaponang klase. Mga 1:15 na ako dumating. Ang init kasi eh at ayokong magdrive na sobrang init. Andun pa ang mga kaklase ko sa loob. Ewan ko kung nagpraktis ba sila sa umaga. 


Tahimik ako pagpasok ko. Andun yung adviser namin, nakikinig sa talampati ng klasmeyt ko. Next week na ang pagtatanghal kaya ngayon at bukas ay puro mastery na lang ang isasagawa. 



Nakapwesto ang mga upuan sa gilid. Nasa sentro naman ang nagtatanghal. Kung saan - saan na lang umupo ang mga klasmeyt ko kasi nga, nagkadis-organized na ang mga upuan, kung saan-saan na lang umuupo ang mga klasmeyt ko. Kaya, ako, umupo sa may malapit lang sa pintuan. May iba napapansin ang pagdating ko at may iba naman ay nakapokos sa nagtanghal sa sentro. 




Medyo ok na ako ngayon kompara kanina pero medyo may hang-over pa rin at minsan may kung anong bumibigat sa braso at likuran ko kaya paminsan minsan ay ginagalaw galaw ko ito para maexercise naman. 




One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon